Janno Gibbs, Star Music recording artist na | ABS-CBN

Featured:
|

ADVERTISEMENT

Featured:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Janno Gibbs, Star Music recording artist na

Janno Gibbs, Star Music recording artist na

ABS-CBN News

 | 

Updated Sep 13, 2018 08:38 PM PHT

Clipboard

MAYNILA -- Mainit na sinalubong ng Star Music executives na sina Jonathan Manalo at Roxy Liquigan ang singer-actor na si Janno Gibbs nitong Huwebes.

Si Janno ang isa sa mga bagong recording artist na pumirma sa Star Music.

Kuwento ni Janno, bagong simula ito sa kanyang singing career matapos ang ilang taon na pagpapahinga sa showbiz.

"I'm in this point in my career na kailangan ko naman to shake things up, you know fresh. Medyo naging comfortable ako lately so I need to shake things up," sabi ni Janno sa press.

ADVERTISEMENT

Kasabay ng mainit na pag-welcome kay Janno, ang isang bagong awitin na siya mismo ang sumulat.

"The title is 'Feeling JKL' meaning feeling JaDine, KathNiel, LizQuen. Ako. aside from being a fan of the love teams, the song is about pag kasama kita I feel young," ani Janno.

Hindi naman isinasara ni Janno ang posibilidad na lumabas na rin siya sa ilan pang Kapamilya shows.

"I hope so, na try ko na sa 'Ang Probinsyano.' I guested in 'ASAP,' 'Showtime,' 'GGV.' So far masaya ako, hopefully magtuloy-tuloy," sabi pa niya.

Excited din daw si Janno sa pagkakaton na muli niyang makatrabaho ang mga kaibigan na sila Jaya at Ogie Alcasid.

"Si Ogie kasama ko sa mga guesting, si Jaya I've seen her here. I missed them. 'Pag nagkakausap kami over the phone. Kahit sila nag po-post na we miss working together. More than 10 years kami magkakasama so ayun, iba ang friendship kasi magka-kaibigan kami. Pero 'yung working together we miss that of course," pahayag pa niya.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.