Viral Pinoy boy group na SB19, pinakita ang kanilang K-pop moves

ABS-CBN News

Posted at Sep 12 2019 11:43 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA -- Bumisita sa "Umagang Kay Ganda" ang SB19, isang Pinoy boy group na viral ngayon dahil sa kanilang boses at galawang K-pop.

Nitong Huwebes, inawit ng mga miyembro ng grupo na sina Sejun, Stell, Josh, Ken at Justin ang kanilang awitin na "Go Up."

Paglilinaw ni Stell, kahit na ang may hawak sa kanilang grupo ay isang Korean company, sa Pilipinas pa rin sila nagte-training.

"Ang company po namin ay Korean company po siya, mayroon kaming Korean trainer, pero dito kami sa Pilipinas nag-training po," ani Stell.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.