PASILIP: Paghahanda ng ilang Kapamilya stars para sa ABS-CBN Ball 2019

ABS-CBN News

Posted at Sep 08 2019 07:34 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA — Excited na ang Kapamilya stars para sa pinakaaabangang ABS-CBN Ball 2019 na gaganapin sa Setyembre 14, kung saan may temang "Modern Filipiniana" ang engrandeng event.

All smiles si Asia’s Songbird Regine Velasquez-Alcasid na first time na a-attend.

"I'm very excited and of course I'm going with my husband and our daughter Leila. I'm just looking forward to partying," anang singer.

Aabangan naman ang magiging look ni Kim Chiu na taon-taon ay trending.

"Iba yung style ngayon it's Modern Filipiniana," sabi ng aktres.

Excited din sina Zeus Collins at Bailey May.

"First time ko magsuot ng barong kaya na-excite ako kasi Pilipinong-Pilipino," ani Collins.

"It's the first time I'm going to the ball in like 2 years. This is gonna be very exciting," sabi naman ni May.

Body conditioning naman ang ginawa nina Maris Racal at Sue Ramirez.

"Hindi lang po ako kumakain masyado siyempre kailangan maganda tayo pagdating ng araw na 'yun," sabi ni Ramirez.

"Workout. Pero last year ko pa siya ginagawa," ayon naman kay Racal.

Inamin naman ni Iñigo Pascual na inaya niya si Racal na maging date sa Ball.

"She hasn't given me an answer yet. So excited ako kung anong mangyayari," ani Pascual.

Aabangan sa Ball ang mga bituin sa iba't ibang industriya. Ang lahat ng perang malilikom sa Ball ay ihahandog sa Bantay Edukasyon ng Bantay Bata 163.

—Ulat ni Ganiel Krishnan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.