L.A. Lopez nagbabalik showbiz, may bagong album

ABS-CBN News

Posted at Sep 07 2017 12:45 PM

MANILA -- Naaalala niyo pa ba si L.A. Lopez?

Nitong Huwebes ay lumabas ang dating child star sa "Umagang Kay Ganda" at ayon sa kanya, pitong taon din siyang namalagi sa Amerika.

"Doon ako naging pastor at doon ako nag-aral ng musical theater," ani L.A. na 32 na ngayon.

"Tapos noong bumalik ako around 2009, 'yun na basically ang sumalubong sa akin bagyo, 'yung Ondoy. Then God has been so good that He allowed us to plant a church dito sa Quezon City and Taguig," dagdag ng dating child star.

Matatandaang isa si L.A. Lopez sa mga bata na bumida noon sa sikat na variety show na "Eh Kasi Bata," kung saan nakasama niya sina Aiza Seguerra, RR Herrera at Kathleen Goquieng.

Pag-amin ni L.A., na miss niya ang showbiz, lalo na ang pag-awit. Kaya naman naglabas si L.A. ng album na may pamagat na "Ikaw Pa Rin." 
 
Para sa mga manonood ng UKG, inawit ni L.A. ang kantang "Yakap."