PAKINGGAN: Bagong 'PBB' theme song 'Pinoy Tayo' ni Rico Blanco | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
PAKINGGAN: Bagong 'PBB' theme song 'Pinoy Tayo' ni Rico Blanco

ABS-CBN News
Published Sep 06, 2021 11:40 AM PHT
|
Updated Sep 07, 2021 11:50 PM PHT

MAYNILA -- Sa muling pagbabalik ng sikat na reality show na "Pinoy Big Brother" (PBB) para sa ika-10 nitong season, inilabas na rin ang "Pinoy Tayo," ang bagong bersiyon ng "Pinoy Ako."

Mapapanood na ang lyric video ng "Pinoy Tayo" na inawit ni Rico Blanco sa opisyal na YouTube page ng Star Music nitong Linggo, Setyembre 5.

Maliban kay Blanco, kasama rin sa sumulat ng "Pinoy Tayo" sina Jonathan Manalo at Clem Castro. Si Blanco rin ang producer ng awitin.

Matatandaang ang "Pinoy Ako," na inawit ng bandang Orange & Lemons, ang kinilalang theme song ng "PBB."
Matatandaang ang "Pinoy Ako," na inawit ng bandang Orange & Lemons, ang kinilalang theme song ng "PBB."
ADVERTISEMENT
Nito lamang nakaraang buwan nang ianunsiyo na muling paghahanap ng bagong housemates ng reality game show na papangalanang “PBB Kumunity Season 10.”

Mahahati sa tatlong “Kumunities” ang nasabing season: celebrity edition, adult edition, at teen edition.

Nitong Setyembre 1 ay nagsimula ang awdisyon para sa mga aspiring adult housemate sa na tatagal hanggang Setyembre 30. Edad 20-40 ang maaaring sumali sa panibagong yugto ng "PBB."

Samantala, ang mga teenager edad 15-19 ang kwalipikadong sumali sa Teen Edition. Magbubukas ang awdisyon sa Disyembre 1 hanggang 31.

Kagaya sa katatapos na season ng "PBB," sa streaming app na Kumu muli pipiliin ang mga housemate.

Para sa mga nais sumali, kailangan i-download ang Kumu app at gumawa ng sariling account.

Tapos, kailangang gumawa ng isang minutong video clip na magpapakilala at magpapaliwanag kung bakit dapat kang mapili na makapasok sa Bahay ni Kuya.

Unang nagbukas ang “PBB” noong 2005 at nagkaroon na ng 15 edisyon kung saan nanggaling ang maraming Kapamilya stars ngayon tulad nina Sam Milby, James Reid, Melai Cantiveros, Maymay Entrata, Robi Domingo, at Bianca Gonzales.