Bugoy Drilon at Daryl Ong, sanib-puwersa sa concert | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Bugoy Drilon at Daryl Ong, sanib-puwersa sa concert

Jeff Fernando,
ABS-CBN News
Published Sep 03, 2019 12:01 PM PHT

MANILA -- Puno ng '90s music ang pinaghahandaang concert nina Bugoy Drilon at Daryl Ong.

Maraming showbiz media ang agad nagtanong kung um-exit na raw ba si Michael Pangilinan sa grupo at dalawa na lang sila ngayon.

"Nag-show po kami sa Japan (kasama si Morissette). Wala muna si Kel so naisip po namin na 'di kaya gumawa tayo ng collaboration na concert. Nagkataon po na same din kami ng management," ani Bugoy.
"Nag-reach out din kami kay Kel. Si Kel gusto rin niya akala namin aabot na tatlo kami. Kaya lang parang nung sinabi namin sa management ay nakapag-usap na sila ng Resorts (World Manila)," paliwanag ni Daryl.
Malaking impluwensya kina Daryl at Bugoy ang '90s music na kinalakihan nila. Dito rin nagsimula ang kanilang hilig sa musika.

"Ako po kasi '90s kasi doon ko nahanap ang love ko for music, growing up. Medyo makapal na mukha ko na kumakanta ako sa classroom, 'yun ang madalas na kinakantahan ko," ani Daryl.
Sa probinsya naman ang setting ng kwento ni Bugoy na nagsimula sa lumang mga awitin na unti-unti lumawak ang playlist.
"Dati kasi taga-probinsya kami ang pinapakinggan namin is AM, so more on old songs. Noong nagkaroon po kami ng FM doon ko nalaman 'yung sina Brian McKnight at Boyz II Men na sumikat noong '90s," ani Bugoy.
Mapapanood ang "BND" concert nina Bugoy at Daryl sa Setyembre 14 sa Newport Performing Arts Theater ng Resorts World Manila.