Aiko Melendez tinahi ang noo matapos maaksidente | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Aiko Melendez tinahi ang noo matapos maaksidente

ABS-CBN News
Published Sep 02, 2021 11:32 PM PHT

Kinailangan tahiin ang bahagi ng noo ng aktres na si Aiko Melendez matapos aksidenteng tumama ang ulo sa lababo nang makaramdam ng pagkahilo sa kinaing maanghang na noodles.

Sa kaniyang inilabas na vlog, ikinuwento ni Melendez na isinugod siya sa emergency room ng isang ospital nang maaksidente habang nasa kaniyang bahay na nagresulta sa malalim na sugat sa kaniyang noo at malapit sa mata.

Ayon sa aktres, kumain siya ng spicy Korean ramen nang maramdamang tila bumabaliktad ang sikmura nito. Nang subukang isuka ang nakain, doon tumama ang ulo ni Melendez sa lababo.

“Feeling ko ilabas yung kinain kong spicy part. Nung nag-exert ako ng effort sa sink...parang bigla akong nahilo tas tumama na yung ulo ko sa sink. Pag tama sa sink, the next thing I know nakahiga na ko sa sahig,” ani Melendez.

Bagamat may nararamdamang kaba, sinikap ng aktres na pakalmahin ang kaniyang pamilya na noo’y natataranta na dahil sa dami ng dugo na umaagos sa kaniyang mukha.

“Sa ikatlong hospital, nakahanap kami ng di gaanong jampacked. I'm still blessed na yung hospital na yun, di tumatanggap ng COVID patients. Sobrang medyo nabawasan yung anxiety ko,” kuwento nito.

Dagdag pa ni Melendez, marami ang tumakbo sa isip niya nang mangyari ang insidente lalo pa’t puhunan niya sa pag-aartista ang mukha.

Ngunit nakausap naman na umano nito ang kaniyang cosmetic surgeon at sinabing magagawan pa ng paraan upang hindi mahalata ang peklat ng sugat.

Sa kabila ng nangyari, malaki pa rin ang pasasalamat ng aktres na walang fracture ang kaniyang ulo at hindi tinamaan ang kaniyang mata.

Nilinaw din nito na hindi siya nabugbog o napaaway kagaya nang sinasabi ng ibang netizens.