Ilang artista dumidiskarte para kumita habang limitado ang mga proyekto

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Ilang artista dumidiskarte para kumita habang limitado ang mga proyekto

ABS-CBN News

Clipboard

Kaniya-kaniyang diskarte ang ilang artista sa pagsisimula ng mga negosyo at pagpasok sa ibang trabaho ngayong limitado ang mga proyekto sa gitna ng COVID-19.

Isang Korean-Japanese grocery store ang binuksan ng Bulacan provincial board member at aktor na si Alex Castro, at misis na si Sunshine Garcia.

Naisip umano ito ng mag-asawa dahil walang ganoong tindahan sa kanilang lugar.

Tutok ang mag-asawa sa negosyo at sila muna ang nagmamando sa tindahan.

ADVERTISEMENT

Nagulat umano silang marami agad ang namili sa kanilang bagong negosyo gayong nag-soft opening pa lamang ito.

"Kahit maliit na kita, ma-appreciate mo," ani Garcia.

"Mag-online selling, mag-negosyo, 'wag kang mahiya kung ano 'yong pinagkakakitaan mo," sabi naman ni Castro.

Balik-Australia naman ang dating "Pinoy Big Brother" housemate na si Ylona Garcia.

Sa kaniyang Instagram post, ipinagmalaki ni Garcia na nagtatrabaho siya ngayon sa isang fast food restaurant doon.

ADVERTISEMENT

Ikinatuwa naman ng netizens ang post ni Garcia at pinuri ang kaniyang pagiging mapagkumbaba.

Marami ring artista ang pumasok sa restaurant business tulad nina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo, Matteo Guidicelli, at Ara Mina.

Maging ang "Love Thy Woman" cast member na si MJ Cayabyab ay nagbebenta ng chicken wings at iba pang party favors.

"Walang choice eh kailangang maghanap ng alternative way to earn, lalo na kaming mga artistang nawalan ng trabaho," ani Cayabyab, na sinabing passion niya ang pagluluto.

Dahil kailangang laging malinis ang bahay ngayong may pandemya, mas naging in-demand umano ang call-in services business ni "Love Thy Woman" star Janna Victoria.

ADVERTISEMENT

"Ever since, talagang germ freak ako before pa kaya naisip namin ito," ani Victoria.

-- Ulat ni MJ Felipe, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.