PatrolPH

Pepe Herrera, nagsalita ukol sa pagkumpara sa kanila ni Empoy Marquez

ABS-CBN News

Posted at Sep 02 2018 12:57 PM

MAYNILA - Hindi itinatangi ng komedyanteng si Pepe Herrera na minsan ay naikukumpara siya sa kapwa komedyanteng si Empoy Marquez, pero hindi naman raw ito isyu para sa kaniya. 

Sa panayam kay Herrera ng media sa press conference ng kaniyang upcoming movie na “The Hopeful Romantic”, ibinahagi ng komedyante ang kanyang saloobin tungkol dito.

“Hindi po kasi ako competitive sir e, tsaka magkakaibigan po kami nila Empoy [Marquez] kami po kasing mga komedyante para kaming isang tribo e,” ani Herrera.

Pagdating naman sa pagkakaroon ng magandang leading lady, hindi rin daw ito isyu sa kaniya. 

“Siguro po ang pananaw ko dyan, hindi ko po tinitingnan kung sino ang susunod na makakasama ko when I’m working on a project,” paliwanag niya.

Aniya, masaya rin daw siya sa naging magandang kinalabasan ng kaniyang maituturing na first lead movie project.

“Ang importante po sakin ang mapalitaw ang story bilang actor, kaya para po sakin itong “The Hopeful Romantic” proud po kami kasi naipakita mo namin ang tunay na kuwento ng pelikula,” pahayag pa niya.

Mapapanuod ang “The Hopeful Romantic” simula Setyembre 12.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.