KILALANIN: Pinoy singer na celebrity na ngayon sa Indonesia | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

KILALANIN: Pinoy singer na celebrity na ngayon sa Indonesia

KILALANIN: Pinoy singer na celebrity na ngayon sa Indonesia

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv


MANILA -- Nagsimula bilang isang guro at ngayon ay isa ng celebrity sa Indonesia ang Pinoy na si Leo Consul.

Sa kanyang pagbisita sa "Umagang Kay Ganda" nitong Biyernes, ikinuwento ni Leo kung paano nagsimula ang kanyang showbiz career sa Indonesia.

"Well actually, nag-start po ako sa Indonesia as a teacher. After like six months, iniwan ko ang pagtuturo kasi na-discover ako sa Indonesia. Sabi nila puwede kang mag-showbiz, baka kumakanta ka or what. Then I joined auditions and stuff," aniya.

Dagdag ni Leo, matapos siyang ma-discover ay nag-host na siya ng sarili niyang show at gumawa ng iba't ibang proyekto.

ADVERTISEMENT

"From there, nag-host ako ng sarili kong show. I did my teleserye sa Indonesia. And now, kaka-release lang po namin ng single ko sa Indonesia which is 'Ikaw' ni Yeng Constantino. May Tagalog din. Tagalog at Bahasa ay minix namin. Ang mga Indonesians mahilig din po sila sa mellow, sa ballad. So, madaling pumatok sa Indonesia. In fact nag-No.1 kami sa isang radio station sa Indonesia last week lang," ani Leo na marunong na ring magsalita ng Bahasa.

Bago ang kanyang karera sa Indonesia, naging parte ng isang show si Leo sa ABS-CBN Baguio.

Sa ngayon ay nakatakdang magkaroon ng show si Leo sa Asya at sa Estados Unidos.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.