ABS-CBN, kinilalang TV Station of the Year sa Inding-Indie Excellence Awards 2022; 'TV Patrol' at Jane De Leon, wagi rin

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

ABS-CBN, kinilalang TV Station of the Year sa Inding-Indie Excellence Awards 2022; 'TV Patrol' at Jane De Leon, wagi rin

Jeffrey Hernaez,

ABS-CBN News

Clipboard

Kinilalang TV Station of the Year and ABS-CBN sa Inding-Indie Excellence Awards 2022. FILE/ABS-CBN News
Kinilalang TV Station of the Year and ABS-CBN sa Inding-Indie Excellence Awards 2022. FILE/ABS-CBN News

Apat na award ang naiuwi ng ABS-CBN sa Inding-Indie Excellence Awards 2022 na ginanap sa makasaysayang Metropolitan Theater sa Maynila.

Kabilang dito ang Best TV Station of the Year para sa Kapamilya network. Pinarangalan din ang TV Patrol bilang Best News Program of the Year.

Iginawad naman ang Best Anthology TV Program of the Year sa longest running drama anthology sa bansa na Maalaala Mo Kaya o MMK.

Habang kinilala ang bagong henerasyong Darna na si Jane De Leon bilang Huwarang Artista ng Mga Kabataan.

ADVERTISEMENT

ABS-CBN, kinilala bilang Best TV Station of the Year sa Inding-Indie Film Festival 2022.
ABS-CBN, kinilala bilang Best TV Station of the Year sa Inding-Indie Film Festival 2022. Jeffrey Hernaez, ABS-CBN News

Ito ay matapos manguna ang Kapamilya network, shows, at personalities sa botohan ng mga estudyante mula sa iba ibang bahagi ng bansa at Inding-Indie Excellence Awards 2022 selection committee.

Itinanghal din bilang Bayani ng Pinilakang Tabing si National Commission for Culture and the Arts Chairman Arsenio "Nick" Lizaso, Most Promising Actor of the Year si Clark Samartino, habang ginawaran din ng Excellence Award ang direktor ng pelikulang "Hukay" na si Marvin Gabas.

Binigyan din ng pagkilala ang mga direktor at artista mula sa labing apat na pelikula na kalahok sa Inding-Indie Film Festival.

Ayon sa presidente ng Inding-Indie Film Festival na si Ron Sapinoso, malaking tulong ito sa mga independent filmmakers at mga artista. "Natutuwa po ako kasi ang natulungan natin dito yung mga bata. Sa maliit naming paraan, naiaangay namin ang kanilang mga pangarap," aniya.

Umaasa rin ang mga nasa likod ng Independent Film Festival na dahil sa patuloy na paggawa ng mga dekalidad na pelikula, mas lalakas pa ang suporta sa independent film industry, "Dapat makita nila ang tunay na puso, tunay na sining, kung ano yung gusto naming iparating sa lahat," ayon kay Ryan Manuel Favis, Director ng Inding-Indie Film Festival.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.