Julia, Bea, at Ian, ano ang masasabi tungkol sa kanilang 'inspirasyon'? | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Julia, Bea, at Ian, ano ang masasabi tungkol sa kanilang 'inspirasyon'?

Julia, Bea, at Ian, ano ang masasabi tungkol sa kanilang 'inspirasyon'?

ABS-CBN News

 | 

Updated Aug 31, 2017 12:00 AM PHT

Clipboard

May nakakikilig na sagot ang mga star ng teleseryeng 'A Love to Last' na sina Julia Barreto, Bea Alonzo, at Ian Veneracion nang tanungin sila tungkol sa kani-kanilang inspirasyon.

Sa pagitan nina Ronnie Alonte at Joshua Garcia, sino kaya ang masasabing inspirasyon ni Barreto?

"Alam mo, I will have to say I have to choose Joshua because Ronnie has a different 'a love to last'," ang sweet na sagot ni Barreto.

Pigil naman sa pagbibigay ng detalye si Bea Alonzo nang tanungin kung ano ang estado nila ni Gerald Anderson, at kung siya na nga ba ang kanyang 'a love to last'.

ADVERTISEMENT

"Gusto rin namin i-honor ang each other's individuality. Hindi ko alam kung ano isasagot, baka sabihin ng tao echosera ako 'no!" ayon kay Alonzo.

Ngunit nang kulitin pa siya tungkol kay Anderson, aniya, "He's very special. He inspires me everyday."

Na-hot seat naman ang leading man na si Ian Veneracion tungkol sa mga katangiang nagustuhan niya kina Alonzo at Iza Calzado sa totoong buhay.

"Si Iza, what I love about her, she has a wonderful sense of humor na unedited. 'Pag may sinabi sa 'yo, talagang malalaglag ka sa upuan mo. Ang gusto ko naman kay Bea, sobra siyang lola na it's so easy to annoy her," ani Veneracion.

Nasa huling limang linggo na ang teleseryeng 'A Love to Last', at bilang pasasalamat ng cast sa kanilang fans, may handog silang konsyerto sa Setyembre 8 sa KIA Theater.

-- Ulat ni Jeff Fernando, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.