BALIKAN: Buhay ni Margielyn Didal, muling ipapalabas ng 'MMK' | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
BALIKAN: Buhay ni Margielyn Didal, muling ipapalabas ng 'MMK'

ABS-CBN News
Published Aug 18, 2021 03:14 PM PHT

Hindi man nanalo ng medalya sa katatapos lamang na Tokyo Olympics, gumawa pa rin ng pangalan ang skateboarder na si Margielyn Didal nang umani ng papuri at paghanga mula sa buong mundo dahil sa pagiging masiyahin nito.

Ngunit sa kabila ng pagiging palakaibigan at palatawang karakter, dumaan muna sa maraming pagsubok ang atleta na nakamit ang ginto sa 2018 Asian Games at 2019 Southeast Asian Games.

Sa Sabado, Agosto 21, muling ipapalabas ng drama anthology na “Maalaala Mo Kaya” ang kuwento ni Didal na unang umere noong 2018 matapos ang tagumpay niya sa Indonesia.

Ginampanan ng aktres na si Elisse Joson ang karakter ni Didal sa episode na pinamagatang “Skateboard.”
Ginampanan ng aktres na si Elisse Joson ang karakter ni Didal sa episode na pinamagatang “Skateboard.”
ADVERTISEMENT
Nagawang makapasok ni Didal sa final round ng women’s street event sa Olympic at nagtapos na pangpito sa buong kompetisyon.

Bumuhos naman ang pagmamahal sa kaniya ng sports community matapos ang laban kung saan nadagdagan siya ng halos 700,000 followers sa Instagram sa kabuuan ng Olympics.

Isa rin siya sa mga pinaka pinag-usapang topic sa Facebook bukod kina Olympic gold medalist Hidilyn Diaz at silver winner Nesthy Petecio.

Panoorin ang ilang pasilip ng MMK episode ni Didal: