Karla Estrada, inspirado sa bagong negosyo ni Daniel | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Karla Estrada, inspirado sa bagong negosyo ni Daniel

ABS-CBN News
Published Aug 16, 2017 11:26 AM PHT

MANILA -- Hindi naitago ni Karla Estrada ang pagiging proud sa kanyang anak na si Daniel Padilla.

Sa "Magandang Buhay" nitong Miyerkoles, ibinahagi ni Karla ang kasiyahan para sa bagong negosyo na pinasok ng kanyang anak.

"Sa akin, nakaka-inspire na si Daniel ay nakapag-isip kaagad ng negosyo. Kaka-open lang noong bar nila na District 8," ani Karla.

"Nakaka-inspire na 'yung anak ko sa murang edad ay iniisip na niya 'yon. So excited ako kung ano pa 'yung magandang buhay na haharapin naming mag-iina, habang tumatanda 'yung mga bata," dagdag ni Karla.

ADVERTISEMENT
Nito lamang Lunes ay opisyal na nagbukas na ang nasabing restaurant ni Daniel.

Kasama ni Daniel bilang may-ari ng bagong gastropub sina James Yap, Paul Artadi, Marc Pingris, Charlton Yu, dating San Juan vice mayor Francis Zamora at Vice Ganda.