LizQuen, planong magbida sa isang horror movie | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
LizQuen, planong magbida sa isang horror movie

ABS-CBN News
Published Aug 15, 2018 09:06 PM PHT

MAYNILA—Horror film daw ang isa sa mga dream movie projects nina Liza Soberano at Enrique Gil.

Kuwento ng dalawa sa ABS-CBN News sa naging set-visit sa "Bagani" nitong Miyerkoles, isang movie collaboration daw ang kanilang binibuo kasama ang direktor na si Richard Arellano.

Ibinahagi ni Gil na may nai-pitch na silang concept ni direk Arellano tungkol dito. Dagdag pa niya ay sana "in the future" ay mayroon din silang magawang tulad nito kasama ang Star Cinema.

Ayon naman kay Soberano, isa sa mga naging inspirasyon nila para sa plano nilang collaboration ay ang "Train to Busan," isang Korean zombie movie na ipinalabas sa Pilipinas noong 2016.

"Actually one of our favorite zombie movies iyon," ani Soberano.

Pero sa ngayon ay nakatutok daw muna sa paghahanda ang dalawa sa nalalapit na huling gabi ng “Bagani" nitong Biyernes.