Joshua Garcia, sasabak sa Inglisan sa 'Ngayon at Kailanman' | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Joshua Garcia, sasabak sa Inglisan sa 'Ngayon at Kailanman'

Joshua Garcia, sasabak sa Inglisan sa 'Ngayon at Kailanman'

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA — Inamin ni Joshua Garcia na malaking pagbabago ang kanyang ginawa para sa bagong proyekto sa “Ngayon at Kailanman.”

Kuwento ni Joshua sa naganap grand media launch ng programa nitong Lunes, isa sa pinaghandaan niya ngayon ang kanyang gagampanan na karakter bilang si Inno.

“Dito po kasi iba 'yung character ko. Parang kumabaga nag-switch kami ng character -- ako naman ang mayaman, siya [Julia Barretto] 'yung mahirap,” sabi ni Joshua sa press.

Aminado din ang aktor na susubukin din ng kanyang bagong karakter ang pagsasalita ng wikang Ingles.

ADVERTISEMENT

Watch more in iWantv or TFC.tv

“Mahirap po mag-English, 'yun po ang pinaka-challenging sa lahat, and the way nang pag-deliver dapat spontaneous, bawal ang bakel, dapat fluent, bawal magkamali, tama dapat ang bigkas,” paliwanag niya.

“Challenging din dito 'pag may confrontation scene na, tapos English,” masayang kuwento ni Joshua.

Hamon man daw ito para sa aktor, ipinagpasalamat din daw niya ang suporta ng programa para sa kanya.

“Nagbigay talaga sila ng speech coach, so bago sumalang sa eksena, iko-coach muna nila ako,” pahayag pa ni Joshua.

Sa ngayon, todo na ang paghahanda ni Joshua at Julia para sa nalalapit na simula ng “Ngayon at Kailanman” ngayong Agosto 20.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.