Vice Ganda, ipinaliwanag ang mababang energy level ni Moira sa 'Idol PH'

ABS-CBN News

Posted at Aug 12 2019 03:55 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA -- Binigyang linaw ni Vice Ganda sa "Gandang Gabi Vice" ang dahilan ng mababang energy level ni Moira Dela Torre noon sa "Idol Philippines."

Matatandaan na sa kasagsagan ng Kapamilya singing search, bumuhos ang naging batikos kay Moira na isa sa mga hurado kasama sina James Reid, Regine Velasquez at Vice Ganda.

"Kami 'pag napapanood namin 'yan, natatawa kami, even Moira tinatawanan din 'yan. Pero I really felt so bad during the time na bina-bash si Moira because of her energy," sabi ni Vice sa "GGV."

Paliwanag ng TV host, may pinagdaraanan noon sa kalusugan ang kasamahang hurado.

"Alam niyo ho ba during that time na binabash niyo si Moira dahil wala siyang energy at mahina ang boses niya, si Moira po ay may pinagdadaanan sa kalusugan dahil mayroong hindi magandang nangyari sa ilong ni Moira," ani Vice.

"At during the time na nagte-tape kami ng 'Idol Philippines' ang taas nung dosage ng drugs na tini-take ni Moira para hindi niya maramdaman 'yung sakit na nararamdaman niya," patuloy pa niya.

"Ganun kataas 'yung level ng pain na nararamdaman ni Moira habang nagte-taping kami na kusang tumutulo ang luha niya at kailangan siya painumin ng maraming gamot para ma relieve 'yung pain at kumalma siya. Kaya ganon ang energy niya," sabi pa ng "GGV" host.

"Pero pinagtatawanan at binash niyo siya ng hindi niyo alam na may nangyayaring hindi maganda sa kalusugan ni Moira. How dare you."

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.