‘Dream project ko’ — Kylie Verzosa gaganap bilang si Osyana | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

‘Dream project ko’ — Kylie Verzosa gaganap bilang si Osyana

‘Dream project ko’ — Kylie Verzosa gaganap bilang si Osyana

ABS-CBN News

 | 

Updated Aug 12, 2018 03:05 PM PHT

Clipboard

A post shared by Epik Studios (@epikstudiosph) on

MAYNILA—Ipinakilala na nitong Sabado sa naganap na History Convention sa World Trade Center si 2016 Miss International Kylie Verzosa bilang si “Osyana”. Isang karakter na aabangan na likha ng Epik Studios.

“Ako si ‘Osyana,’ isa siyang Badjao woman from the south, very Pinoy ang character. First woman lead character by Epik Studios.” pagmamalaki ni Verzosa sa press.

Kuwento ni Verzosa, hindi niya inasahang ipagkakatiwala sa kaniya ang bagong superhero role.

A post shared by Kylie Verzosa (@kylieverzosa) on

“Binigay na lang po ang role, siguro project after project, siguro nag-iisip sila ng ‘who’s fit for the role’ and I’m super thankful dahil ako si Osyana,” sabi pa ni Verzosa.

ADVERTISEMENT

Aniya, gaya ng kaniyang pagiging isang beauty queen, sumasalamin din daw ang karakter ni “Osyana” sa kaniyang naging personalidad.

“Dream project ko ang mag-action and, more pa doon, this movie shows women empowerment ’yung pagpapakita ng lakas ng isang babae hindi lang para sa pamilya, kundi para sa buong society,” sabi pa ni Verzosa.

Pagdating naman sa kaniyang bagong role, todo paghahanda na rin si Verzosa para rito.

“Oo naman, pinaghahandaan din kasi ang mga project na ganito, and I’m lucky enough na may higit one year ang preparation ko for the role from diet, exercise, gym, tapos mag-train din ako for underwater stunts, swimming and martial arts,” tugon pa niya.

Naka-adjust na rin daw ang beauty queen-turned-actress sa malaking pagkakaiba ng showbiz at pageant.

“Iba ’yung showbiz sa pageantry. Marami akong natututunan, iba din ang industriya, kaya dahan-dahan na pinag-aaralan ko ang pag-arte. And gusto ko talaga ’pag napunta ako sa isang industriya, maging sobrang galing ko doon,” pahayag pa niya.

Inaasahan na sa 2019, sisimulan na ng Epik Studios ang “Osyana”.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.