Rita Avila, dumipensa sa mga artista na matapang na nagbibigay ng kanilang opinyon | ABS-CBN

Featured:
|

ADVERTISEMENT

Featured:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Rita Avila, dumipensa sa mga artista na matapang na nagbibigay ng kanilang opinyon

Rita Avila, dumipensa sa mga artista na matapang na nagbibigay ng kanilang opinyon

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA -- Iginiit ni Rita Avila na ang mga artista ay tao rin na may karapatang magpahayag ng saloobin.

Ito'y matapos tumanggap ng batikos ang kapwa niya artista na naging bukas sa pagbibigay ng kanilang opinyon sa mga nangyayari ngayon sa bayan.

Ani Rita, tila nawala na ang respeto natin sa isa't isa.

"Wala na ang panahong kahit iba-iba ang opinyon ay may respeto. Ngayon, kalaban ka kaagad 'pag iba ka sa kanila. I am almost always careful of my words when I post but nothing can make them understand," ani Rita.

ADVERTISEMENT

"They claim na puro 'reklamo' ang mga tao against the gov't. Eh kaninong gobyerno ba tayo dapat magsalita ng saloobin - sa gobyerno ni Emilio Aguinaldo?" dagdag pa niya.

Pinaalalahanan din ng aktres ang mga tao na huwag magbulag-bulagan sa mga kaganapan.

"Noon I was charmed by the Pres during the campaign. Now, I simply say thank u pag may maayos syang nagawa. In one of my posts, I humbly asked for his empathy. My husband is pro. Kaaway nya mga kapatid nya. I have friends na pro, but we never fought. Think before leaving comments. Again, d magandang combination ang bulag, tanga, masama ugali. TRIPLE WHAMMIES. Hindi kayo yan. Ayaw nyo yan. (Dapat lang d ba?) I-angat nyo ang mga sarili nyo. Naniniwala akong kaya nyo bigyan ng dangal ang sarili nyo. PILIPINO TAYO. KAYA PA," dagdag ng aktres.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.