Nathalie Hart, may pangalan na para sa kanyang baby | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Nathalie Hart, may pangalan na para sa kanyang baby

Nathalie Hart, may pangalan na para sa kanyang baby

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

MANILA -- Matapos aminin na siya ay buntis, ibinahagi ni Nathalie Hart ang naiisip na pangalan para sa kanyang baby -- "Penelope."

Sa "Magandang Buhay" nitong Martes, paliwanag ni Nathalie na gusto ng kanyang yumaong ama ang pangalang ito.

"I like the name na at maalala ko pa ang mahal ko sa buhay. So, 'yon na, ito na ang pangalan, Penelope na. Para at least nagustuhan ng tatay ko kasi wala na ang daddy ko sa mundo. So, 'yun na. Para at least kapag tinatawag ko at tinitingnan ko ang anak ko ang sarap-sarap pakinggan," paliwanag ni Nathalie.

Nang matanong kung pinagkasunduan na ba nila ito ng kanyang fiancé, sagot ni Nathalie: "Wala na siyang magagawa noon kasi emotional na ako. ... Noong lumapit ako sa kanya sabi ko ito na ang pangalan ng anak natin. Ito na 'yon, kung gusto mong magdagdag lagyan natin ng second name, ikaw na ang bahala sa second name."

ADVERTISEMENT

Sa programa, muling binalikan ni Nathalie ni ang panahon noong unang nalaman niya na siya ay buntis.

Hindi tulad ng kanyang fiance na handa na sa pagkakaroon ng baby, aminado si Nathalie na hindi pa siya handa na maging isang ina noong mga panahon na iyo.

"Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Sabi naman ng partner ko 'ano ang problema mo eh di buntis ka, we are having a baby.' ... Eh 'yung time na 'yon siya ang ready, ako hindi pa," ani Nathalie.

Aniya, unti-unti ang naging pagtanggap niya sa sitwasyon.

"Pero as time goes by nandiyan na, two months na doon ko na natanggap na ah okay magiging mom na ako. It's a process as well. Kasi if it's your first baby then you start reading, start asking questions to doctors, then medyo panatag ka na kapag mayroon ka ng knowledge," ani Nathalie.

Sa huli, ibinahagi ni Nathalie ang mensahe sa kanyang baby.

"Sana maging mabuting anak ka sa mga magulang mo at gagawin naman namin lahat para maibigay sa iyo ang education and health. Kung ano ang kailangan mo, ibibigay ko. Siyempre kapos kami noong bata kami, 'yun 'yung gusto kong maibigay ngayon. Kung hindi namin nakuha ng bata kami, gusto ko ngayon maibigay sa anak ko. I love you," mensahe ni Nathalie sa kanyang anak.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.