'ASAP TLC': Mag-asawa, pinagbuklod ng musika sa barko | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

'ASAP TLC': Mag-asawa, pinagbuklod ng musika sa barko

'ASAP TLC': Mag-asawa, pinagbuklod ng musika sa barko

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

May mga pagkakataong dinadala tayo ng tadhana sa mga lugar kung saan hindi natin inaasahang makakikilala tayo ng taong magbabago sa ating buhay.

Para sa dating Smokey Mountain member na si Anna Fegi-Brown, nangyari ito nang kumuha siya ng trabaho bilang mang-aawit sa isang barko, kung saan nakilala niya ang mister na si Adam Brown.

Gaya kasi ni Anna, malalim din ang pagkahilig ni Adam sa musika, dahilan para maging malapit sila sa isa't isa.

"Ang barko sa akin, iyan iyong place talaga na nag-iba iyong buhay ko dahil doon ko nakilala si Adam," sabi ni Anna sa segment na "TLC" ng "ASAP."

ADVERTISEMENT

"Siya po ay musical director doon, drummer sa orchestra at ako naman ay isang performer," dagdag niya.

Ang pagiging pursigido umano ni Anna na maging mabuting performer ang nakapukaw sa pansin ni Adam.

"The things I first noticed about Anna is she works really hard to perfect her craft," ani Adam.

Para kay Adam, kakaiba ang kanilang pagiging magkasintahan ni Anna, lalo at magkasama nilang nilibot ang iba't ibang panig ng mundo.

"Everyday was a different country. Pizza in Italy, coffee in Greece, hamburger in France," ani Adam.

Pero isang insidente sa barko ang nagpabatid sa dalawa na hindi nila kayang mawala sa piling ng isa't isa. Inihalintulad pa ito ni Anna sa 1997 pelikulang "Titanic."

"May malaking sunog na nangyari sa cruise ship namin," kuwento ni Anna. "Si Adam, leader siya doon sa front part ng barko, ako naman nasa likod ng barko."

"So I took Anna by the face and said, 'Don't worry, I will find you,'" ani Adam.

"'Yon 'yong 'Titanic' moment namin. That was really the major moment na ayokong i-continue iyong life ko nang wala siya," sabi naman ni Anna.

Agosto 2012 nang ikasal ang dalawa sa Cebu at hindi nagtagal ay nagdalantao si Anna pero binawian din agad ng buhay ang bata dahil sa kawalan ng heartbeat o tibok ng puso.

Isa sa mga paraan para malampasan ng mag-asawa ang pagsubok ay ang pagpapatayo nila ng performance-based music school sa Cebu na Brown Academy of Music.

"We're kind of the adoptive parents of all the music students in this school," ani Adam.

Mensahe ni Adam sa misis: "You're very strong and your strength gives strength to other people."

"I pray to God that we will continue to travel and perform together because that's our happy place," ani Anna.

Inawit nina Angeline Quinto, Kyla, Erik Santos at Daryl Ong para sa mag-asawa ang "My Heart Will Go On" ni Celine Dion, na tema rin ng pelikulang "Titanic."

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.