James Reid, may panghihinayang ba sa pagbitiw sa Pedro Penduko?

ABS-CBN News

Posted at Jul 31 2019 06:47 PM | Updated as of Jul 31 2019 09:17 PM

James Reid file photo

MAYNILA -- Kasunod ng naging pagbibitiw ni James Reid sa papel bilang Pedro Penduko, tila wala pa ring naiisip ang aktor na posibleng pumalit sa kanya sa gagawing pelikula tungkol sa iconic na Pinoy komiks character.

Matatandaang napilitan si James na bitiwan ang proyekto dahil sa natamong injury sa training sa kasagsagan ng paghahanda para sa proyekto.

"I haven't given any thought, none," tugon niya sa panayam.

Taong 2017 nang opisyal na ipinakilala si James bilang si Pedro Penduko ng Epik Studios na nais bigyang buhay din ang iba pang Pinoy mythological heroes tulad ni Totoy Bato, Bernardo Carpio, Osyana, Habagat, at Maria Makiling na maugong na gagampanan naman ni Nadine Lustre.

Kung tatanungin naman ang aktor kung may panghihinayang ba siya sa naging desisyon sa proyekto. "No. I had an injury during the training, yes that's it," sabi pa ni James.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.