Eddie Garcia, magbabalik sa 'Ang Probinsyano' | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Eddie Garcia, magbabalik sa 'Ang Probinsyano'

ABS-CBN News
Published Jul 29, 2018 01:38 PM PHT
|
Updated Jul 29, 2018 06:57 PM PHT

“Buhay pa si Don Emilio,” ito ang banta ng pagbabalik ng karakter ng beteranong aktor na si Eddie Garcia sa hit prime time series na “FPJ’s Ang Probinsyano”.

Si Don Emilio ay isang mafia leader sa “Ang Probinsyano” na mortal na kalaban ni Cardo Dalisay na ginagampanan naman ni Coco Martin.

Kuwento ni Eddie sa exlcusive interview ng PUSH.com, kasama sa kanyang paghahanda ang bagong itsura sa karakter na gagampanan.

“Babalik ako do’n kaya ako nagpatubo ng balbas at nagpaputi ako ng buhok,” sabi pa ni Eddie sa PUSH.
“Babalik ako do’n kaya ako nagpatubo ng balbas at nagpaputi ako ng buhok,” sabi pa ni Eddie sa PUSH.
ADVERTISEMENT
“Nagpagulong-gulong ako sa bangin di ba? tapos merong flashback yon na napulot ako ng isang Igorot,” sambit pa ng beteranong aktor.

Aniya, bilib din daw siya kay Coco para sa pagpapanatili ng mataas na rating ng programa.

“Ang teleserye negosyo yan, habang mataas ang ratings bakit mo papalitan? Hindi mo alam kung ano yung ipapalit mo, kakagatin, di ba?,” sabi pa niya.

“Habang mataas ang rating, dugtungan mo ng dugtungan, ngayon kapag bagsak na putulin mo na, di ba?," pahayag pa ng beteranong aktor.

Bukod sa “Ang Probinsyano” mapapanuod din si Eddie Garcia sa Cinemalaya entry na “ML” (Martial Law).