Sue Ramirez, ipinagmalaki ang bagong pelikula

ABS-CBN News

Posted at Jul 25 2018 12:56 PM

 

A post shared by Sue Dodd (@sueannadoodles) on

Walang fake news, walang basher. Ito ang tema ng Pista ng Pelikulang Pilipino movie entry ng Cignal Entertainment na “Ang Babaeng Allergic sa WiFi” na pinagbibidahan ng Kapamilya star na si Sue Ramirez.

Pagmamalaki pa ng young Kapamilya star, makaka-relate ang lahat ng audience na namulat noong panahon na hindi pa uso ang social media.

“I would say it’s a very wonderful movie. Ang daming emotions na ilalabas. It would bring out ‘yung youth side mo and ipapaalala sa ‘yo nung wala pang technology, nung wala pang cellphones, Ibabalik tayo doon ng pelikulang ito,” ani Sue sa entertainment press.

 

A post shared by Sue Dodd (@sueannadoodles) on

Aminado si Sue na minsan ay naa-appreciate niya ang mga pagkakaton na mag time-out muna sa social media.

“Sometimes it’s nice to stay away from social media, to stay away sa online world and go back to the world that we live in talaga -- walang fake news, wala ka mababasa na fake accounts, walang bashers, 'yung mga tao lang na nagmamahal talaga sa iyo. Parang ang sarap nya balikan,” sabi ni Sue.

Watch more in iWant or TFC.tv

“Ang Babaeng Allergic sa WiFi” ay base sa kuwento ni Norma na dumaranas ng electromagnetic hypersensitivity syndrome.

Mapapanood ang “Ang Babaeng Allergic sa WiFi” simula Agosto 15, sa direksyon ni Jun Robles Lana.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.