Bea Alonzo, nagsalita na tungkol sa 'Kadenang Ginto'

ABS-CBN News

Posted at Jul 21 2019 02:39 PM

MAYNILA -- Binigyang linaw ng Kapamilya actress na si Bea Alonzo ang kanyang trending na appearance sa "Kadenang Ginto."

Watch more in iWant or TFC.tv

Ayon sa aktres, cameo role lang ito at bahagi lang ng pagbisita niya sa kaibigan na si Dimples Romana na gumaganap sa papel na Daniela Mondragon.

"Dinalaw ko lang si Dimples [Romana] noon sa set ng 'Kadenang Ginto' and then sinabi lang ng director na 'halika, kunwari mabubunggo ka lang ni Daniela.' And then, nagulat na lang ako kasi hindi ko alam na ipalalabas nila talaga," kuwento ni Bea.

Pagbibiro pa ng aktres: "Take two pa 'yun ah."

"Sabi nila, masyado daw akong OA, so take two 'yun. Kaya thank you sa lahat ng sumuporta," pahayag pa ni Bea.

Sa ngayon, abala si Bea sa kanyang bagong pelikula sa Star Cinema kasama si Richard Gutierrez at Angelica Panganiban na mapapanood sa huling bahagi ng 2019.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.