MOR, tuluyan nang magsasara; DJ Chacha, naiyak | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
MOR, tuluyan nang magsasara; DJ Chacha, naiyak

ABS-CBN News
Published Jul 16, 2020 11:20 AM PHT
|
Updated Jul 16, 2020 10:42 PM PHT

MAYNILA -- Hindi napigil ni DJ Chacha o Czarina Balba sa totoong buhay ang umiyak nang ibahagi niyang tigil operasyon na ang MOR 101.9 sa Metro Manila.

Ito ang ibinahagi ni DJ Chacha sa "Failon Ngayon" ng DZMM nitong Huwebes.

Aniya, isang pagpupulong ang nangyari kagabi kasama ang kanyang pamilya sa MOR 101.9 kung saan inanunsiyo na sa kanila ang masakit na balitang na hanggang sa susunod na buwan na lang ang FM radio station ng ABS-CBN sa Metro Manila.

Ang pagkawala ng MOR 101.9 sa Metro Manila ay nangyari kasunod ng pagpatay ng 70 mambabatas sa panukalang batas na magbibigay sana ng bagong prangkisa sa Kapamilya network.
"Kami po ay under ng ABS-CBN, kami ang FM station dito sa Maynila pero hindi lang kami, marami pong MOR sa buong Pilipinas. Hindi lang sa Maynila ang mga mawawalan ng trabaho. So kagabi sinabi ng mga boss namin... na hanggang Augus 31 next month na lang ang MOR," ani DJ Chacha.

"Sa buong proseso nang pakikipaglaban natin sa prangkisa ng ABS-CBN, kagabi ako unang umiyak. Nandito pa ako, may DZMM pa. Pero sa hindi nakakaalam, hindi ito usaping pera lang. Tahanan po ang MOR for 12 years. Sorry," ani DJ Chacha na hindi na napigil maging emosyonal.

'Pagkatapos ko maka-graduate ng college, this is my first job. First love nga ang tawag ko, forever love. I always tell my friends and family na hindi ko nakikita ang sarili ko na hindi nagra-radyo kasi mahal ko talaga ang radyo. Mahal ko ang MOR. Kasi 12 taon, 32 years old ako ngayon, halos kalahati ng buhay ko kasama ko ang 101.9 family ko. Masakit na mawalan ka ng trabaho, pero mas masakit na 'yung istasyon na ipinuhunan mo 'yung pawis mo, bago kami naging No. 1 FM station, 'yung hirap na pinagdaanan ng buong MOR team... Kasabay pa roon na hindi mo na makakasama ang mga katrabaho, hindi niyo puwedeng puntahan ang isa't isa kasi bawal," ani DJ Chacha na ibinahagi na ang huling hiling nila sa MOR ay sa huling 45 na araw ay mapayagan ng ABS-CBN na makapag-ere sa loob mismo ng radio booth ng MOR.

"Kasi gusto namin hanggang sa huling araw ay nandoon kami sa loob ng bahay namin. Siyempre lahat kami ganito ang nararamdaman ngayon," ani DJ Chacha.

"So hanggang August 31 na lang. Kagabi kinakausap ko si Lord, napapatanong ako bakit, pero naniniwala naman ako na mayroon siyang magandang plano para sa ating lahat. So masakit, masakit kasi hindi retrenchment ang nangyari, nawala talaga ang MOR, wala na munang MOR. Naniniwala naman ako na makakabalik kami. 'Di ko lang sigurado kung kailan," ani DJ Chacha.

Maliban sa MOR 101.9, sinabi ni DJ Chacha na ilang departamento na rin sa ABS-CBN ang huminto na ang operasyon.

"Hindi lang po ang taga-MOR, may iba pa pong department ang ABS-CBN na stop operations muna. So ipagdasal niyo po ang ibang empleyado na kagaya naming lahat," ani DJ Chacha.