Paano maging K-pop idol? Korean stars, may payo | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Paano maging K-pop idol? Korean stars, may payo

ABS-CBN News
Published Jul 15, 2018 05:06 PM PHT

MAYNILA — Sa patuloy na pamamayagpag ng K-pop music sa buong mundo, dumadami rin ang mga nangangarap na mapasok ang industriyang ito bilang performer, bagaman walang dugong Koreano na nananalaytay sa kanila.

Pero ano nga ba ang mga katangiang dapat taglay ng isang nagnanais maging K-pop idol?

Ayon sa Korean TV personality na si Jung Joonyoung, bukod sa talento, mahalaga sa mga nagnanais maging K-pop "idol" ang pagiging pursigido.

"Talent is like a basic thing to be a K-pop artist but the fact that you don't give up will be the most important thing as you go through the journey," sabi ni Joonyoung sa media launch ng isang online reality show sa Quezon City noong Biyernes.

Para naman sa boy band member at "Goblin" star na si Yook Sungjae, dapat matuto ang mga nagnanais maging K-pop idol sa kanilang "seniors" o iyong may mga karanasan na sa pagiging artista.

Sina Sungjae at Joonyoung ang magsisilbing special mentors sa online reality show na "Hello K-Idol," na layong sanayin ang susunod na Pinoy na maaaring maging K-pop idol.

Tiwala pareho sina Joonyoung at Sungjae na may kakayahan ang mga Pinoy na maging sikat na K-pop artist sa Korea.

"I think it's possible since there are a lot of foreigners working as artists in Korea," ani Joonyoung.

"A lot of Filipinos are really good at singing and dancing," sabi naman ni Sungjae.

Isa sa mga may dugong Pinoy na inilunsad bilang K-pop artist ang Filipino-American na si Kriesha Chu.

Ilan pa sa mga banyagang bumuo ng kanilang karera sa Korea ay sina Lay (Chinese) ng boy band na EXO, Lisa (Thai) ng girl group na Blackpink, at Sana, Momo at Mina (Japanese) ng girl group na Twice.

Ipalalabas mula Hulyo hanggang Setyembre sa streaming platform na Viu ang "Hello K-Idol," kung saan ang magwawagi ay mabibigyan ng apat na buwang scholarship sa isang talent school sa Korea.