Juliana Gomez, nilinaw ang estado ng relasyon nila ni Andres Muhlach

Jeff Fernando, ABS-CBN News

Posted at Jul 04 2019 11:36 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

MANILA -- Muling binalikan ni Juliana Gomez, nag-iisang anak nina Richard at Lucy Gomez, ang kanyang prom experience at kung paano siya inimbita ng isa pang anak ng showbiz na si Andres Muhlach na anak naman nina Aga at Charlene Muhlach.

"He just contacted me. Casual lang like 'Do you want to go to the prom?' And I said, 'Yeah, why not?' but prior to that his dad contacted my dad," ani Juliana.

"Nag-kontakan muna kami ni Aga sa phone. Nag-text then tumawag. Sabi ko sa kanya, sabihin mo kay Andres tawagan na lang niya si Juliana," ani Richard.

Ang ina ni Juliana na si Lucy, nagsabing parang isang eksena sa pelikula ang pagsundo ni Andres kay Juliana.
 
"Nakatalikod siya, sabi ko, 'Hi Andres!' Pagharap niya sa akin naka James Bond kasi naka-sharp suit. Sabi ko, 'Ang gwapo mo naman Andres,'" ani Lucy.

At sa mga tumutukso kay Juliana at Andres, mukhang iba pa ang focus ng dalawang showbiz royalty sa ngayon.

"We're really, really just friends. ...Iba pa ang priorities namin," ani Juliana.

Pag-aaral ang pinagkakaabalahan ni Juliana na papasok ng college sa Unibersidad ng Pilipinas-Diliman.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.