KILALANIN: Charlie Dizon, si 'Marikit' ng 'Bagani' | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
KILALANIN: Charlie Dizon, si 'Marikit' ng 'Bagani'

ABS-CBN News
Published Jul 04, 2018 03:04 PM PHT

MANILA -- Matagal ng pangarap ni Charlie Dizon, na kilala na ngayon bilang si Marikit sa sikat na seryeng "Bagani," na maging artista.

Sa "Magandang Buhay" nitong Miyerkoles, binalikan ni Charlie kung paano nagsimula ang kanyang batang-batang karera sa showbiz.

"Last year lang po (ako nag-artista). Pero matagal na po akong nag-attempt," ani Charlie.

Nagsimula bilang isang commercial model si Charlie na unang nakilala sa pelikulang "Seven Sundays" kasama si Enrique Gil na isa rin sa mga bida ng "Bagani."

Ayon kay Charlie, una niyang ginamit sa showbiz ang totoo niyang pangalan na April. Pero aniya, gusto niyang magkaroon ng isang "unisex" na screen name kaya napili nila ang pangalang Charlie.

Ang kanyang ate ang naging simula ng kanyang pangarap na pasukin ang showbiz.

"Siya po dapat 'yung mag-aartista. So, noong bata ako, naisip ko rin, gusto kong maging artista, 'yung ganun. Tapos lahat ng mayroon siya ay uso sa amin. So, siya 'yung pinaka-inidolize ko dati," ani Charlie.

Tulad ng ibang artista, aminado si Charlie na hindi naging madali ang pagpasok niya sa industriya. Bago pa magsimula sa showbiz, dumaan sa pagkabigo si Charlie nang hindi matupad ang malaking proyekto noon sa Korea.

Kuwento niya, napili siya noon para maging parte ng isang K-pop group sa Korea. Pero dahil sa problema sa papeles, hindi natuloy ang dapat sana ay para kay Charlie.

"Ang nangayari ay nagka-problema sa papers kasi conflict daw po na trainee ako tapos working 'yung visa ko, parang ganun. So hindi na po natutuloy... Tapos siyempre na-announce na sa family and friends na hindi na ako magko-Korea, dito na ako. 'Yun po ang pinaka-down moment ko po noon," ani Charlie.

Sa ngayon, masaya si Charlie bilang si Marikit, pinuno ng mga tulisan sa "Bagani," ang kanyang kauna-unahang teleserye.
"Lagi pong makukulit 'yung ka-grupo ko, puro komedyante rin kasi. Lahat kami ay close naman doon, kaya masaya ang mga tulisan talaga," ani Charlie na inaming hirap pa rin siya hanggang ngayon sa kanyang karakter.

"Struggle po noong umpisa. Actually hanggang ngayon struggle pa rin kasi every taping 'di ko alam kung anong eksena ang gagawin. Pero siyempre best effort pa rin," aniya.

Pinapurihan din ni Charlie ang mga bidang artista ng "Bagani" na sina Enrique at Liza Soberano.

"Actually hindi ko pa po nakakaeksena pero nagkikita kami sa set, okay po. Si Liza po, nakasama ko na siya sa commercial dati, kaming dalawa lang po. Kaya masasabi ko na mabait talaga ang LizQuen," ani Charlie.