Pia Magalona, nagbigay suporta sa ABS-CBN | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Pia Magalona, nagbigay suporta sa ABS-CBN

ABS-CBN News
Published Jul 03, 2020 03:00 PM PHT
|
Updated Jul 03, 2020 03:30 PM PHT

MAYNILA -- "Nanginginig ako sa galit talaga." Ito ang pag-amin ni Pia Magalona nang magbigay mensahe ng suporta para sa ABS-CBN na humaharap ngayon sa krisis dahil sa prangkisa nito.

Nitong Biyernes ng umaga, Hulyo 3, sa Liwasang Diokno sa Commission on Human Rights, nakiisa si Pia, ang asawa ng yumaong si Francis Magalona, sa isang Black Friday protest na ipinapanawagan ang pagbabalik ng Kapamilya network na ipinatigil sa pagbrodkast noong Mayo 5.

"Nandito po ako dahil nakikibahagi ako at nagbibigay suporta sa mga kaibigan ko at Kapamilya ko at dahil na rin para kay Francis Magalona. Marami talaga kaming nagawang shows dati sa ABS-CBN, so bahagi na 'yan ng kasaysayan namin. And lahat naman siguro kilala si Francis M. Kalinya ng ideals ng FrancisM ang ginagawa rin ng ABS-CBN which is the basic unit is family. So napaka importante niyan," ani Pia.

"Gusto ko lang sabihin kahit saan man ito mapunta, I'm very proud of ABS-CBN dahil we are able to keep our dignity. Hindi tayo bumababa sa putik at nambabato ng kung ano-anong salita, wala tayong sinasabing ganoon. Kahit 'yun man lang we have kept that," dagdag ni Pia.

ADVERTISEMENT
At gaya rin ng karamihan, palaisipan din kay Pia kung bakit hindi pa rin mabigyan ng prangkisa ang ABS-CBN kahit pa ang mga ahensiya na ng gobyerno ang nagsabing walang nilabag ang network.

"Ang tanong ko is bakit sinabi na lahat ng ahensiya na walang violation ang ABS-CBN, so kung ;yon lang ang basis nang pagboto, hindi ba dapat iboto na yes, na bigyan ng whether renewal or bagong franchise whatever it is," ani Pia.

Pag-amin ni Pia, nakakagalit ang nagaganap na hearing sa Kongreso ukol sa prangkisa ng ABS-CBN.

"Nanginginig ako sa galit talaga kasi tuwing manonood ako ng hearing, nagkakasakit ako physically. Ayaw ko naman ng ganun kasi stress leads to you know terminal illness or something like that. So, ayaw ko maging ganoon, so gumagawa talaga ako ng something productive. I'm mahiyain actually pero naisip ko kapag umalis ako rito at hindi ako nagsalita today, hindi ko mailalabas 'yung saloobin ko, I will just regret it later. I don't want any regret. Suportado ko talaga ang ABS-CBN at kahit anong network, at kahit sino pang pinapatahimik na tao. Bilang isang kababayan karapatan kong magsalita. Hindi ko gustong magtaob ng power anything like that. I am a very disciplined person, I like to follow rules. So kung binibigyan lang tayo ng rules na susundin at hindi ;yong paiba-iba na pwede ang iba ay pwede lang magsabi ng sorry, pero ;yong iba grabe ang trato sa kanila, it doesn't equate to the offense, hindi ba?" ani Pia.

Isa ang aktor na si Elmo Magalona, na parte ngayon ng seryeng "A Soldier's Heart," sa mga anak nina Pia at Francis.