'Idol Philippines': Raketera mula Isabela nasungkit ang golden ticket | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

'Idol Philippines': Raketera mula Isabela nasungkit ang golden ticket

'Idol Philippines': Raketera mula Isabela nasungkit ang golden ticket

ABS-CBN News

Clipboard

ABS-CBN Entertainment
Screenshot mula sa ABS-CBN Entertainment YouTube channel.

MAYNILA — Nasungkit ng isang raketera mula sa Santiago City, Isabela ang golden ticket sa Saturday episode ng "Idol Philippines" season 2.

Kwento ni Delly Cuales, 24, sanay na siyang kumayod simula bata pa lang kaya hindi na bago sa kanya ang pagiging singer sa iba't ibang okasyon.

"Bata pa lang po kami, broken family po kasi kami, lahat po ng trabaho, lahat po ng pwedeng pagkakitaan sinubukan ko po kasi may mga naiwan pa po akong kapatid na maliliit," ani Cuales.

"Maglaba, magtinda po ng isda kahit po 'yung dahon ng niyog aakyatin ko para po ibenta," dagdag pa niya.

ADVERTISEMENT

Natuwa naman ang lahat ng judges sa kanyang version ng "Maniwala Ka" ng Aegis at pasok na sa next round.

Nakakuha rin ng golden ticket sina Kice, 22, mula sa Guimaras Islands at na inawit ang "Nasayo Na Ang Lahat" ni Daniel Padilla at si Beverlyn Silva, 24, ng Lipa City, Batangas na inawit ang "Huwag Mo Nang Itanong" ng Eraserheads.

Bigo naman si Dave Escobido, 17, ng Caloocan City na makapasok sa next round sa kanyang rendition ng "Amakabogera" ni Maymay Entrata.

KAUGNAY NA ULAT:

Watch more News on iWantTFC

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.