Awra Briguela nakalabas na ng kulungan | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Awra Briguela nakalabas na ng kulungan

Awra Briguela nakalabas na ng kulungan

ABS-CBN News

 | 

Updated Jul 01, 2023 11:07 PM PHT

Clipboard

 Instagram/@awrabriguela
Awra Briguela. Instagram/@awrabriguela

(UPDATED) Nakalaya na ang komedyanteng si McNeal Briguela na mas kilala sa pangalang "Awra."

Ayon sa paunang ulat, nakalabas na ng Makati City Custodial Jail si Briguela dakong 9:20 ng gabi matapos makapagpiyansa ng P6,000.

Ito ay kinumpirma ni Southern Police District Director chief Brig. Gen. Kirby Kraft.

Matatandaang nasangkot ang komedyante sa isang gulo sa Makati noong Huwebes ng madaling araw.

ADVERTISEMENT

Ito ay bunsod alitan na nagsimula sa loob ng isang bar sa Brgy. Poblacion.

Naharap si Briguela sa mga kasong alarm and scandal, physical injuries, direct assault, at disobedience to person in authority.

Pero ayon kay Makati chief of police Col. Edward Cutiyog, ibinaba ang kaso sa slight physical injury at simple disobedience to a person in authority.

Sinubukan ng ABS-CBN na kunan ng pahayag si Awra pati ang kanyang abogado ngunit tumanggi silang magbigay ng pahayag.- ulat ni Anna Cerezo, ABS-CBN News

KAUGNAY NA ULAT

Watch more News on iWantTFC

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.