Yeng Constantino, inaming na-paranoid nitong lockdown | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Yeng Constantino, inaming na-paranoid nitong lockdown

ABS-CBN News
Published Jun 29, 2020 03:17 PM PHT

MAYNILA -- Aminado si Yeng Constantino na naging paranoid sila ng asawa niya noong lockdown dahil sa COVID-19.

Sa "Magandang Buhay" nitong Lunes, ibinahagi ni Yeng kung ano ang naging epekto sa kanya at maging sa kanyang asawa ng takot sa panahon ng quarantine habang sila ay nasa probinsiya.

"Wala namang nakaranas sa atin ng pandemic eh. So parang sobra kaming na-paranoid ni Yan. Paano kaya kung apocalyptic na ang nangyayaring ito, ano ang gagawin natin para mag-survive? So sabi ko sa kanya, 'Love, magtanim na lang tayo,'" ani Yeng.

"Saka hindi lang 'yun ang ginawa namin. Nagtanim kami ng gulay, bumili rin kami ng mga pamingwit ng isda. Pramis narating talaga namin 'yon. Ngayong nagre-relax na ang lahat, natatawa kami ni Yan sa pagiging paranoid naming dalawa," dagdag na kuwento ni Yeng.

Sa panahon ng quarantine, isang bagay ang natutunan ng mag-asawa.

"Kaya pala nating mabuhay ng simple. Kasi siyempre nasa Maynila ka in a way medyo magarbo ang lifestyle at may mga things ka na ginagastos na mapapa-question ka tuloy, 'kinailangan ko ba 'yon, o ginusto ko lang ng time na 'yon.' Ngayong may pandemya naisip mo na kaya naman pala ng simple lang, hindi ko pala kailangan nun," ani Yeng.

"So ngayon na gumagaan-gaan po ang kalagayan natin at hopefully ay magtuloy-tuloy po, dalang-dala na namin 'yung ganoong aral -- simple lang. Okay na 'yon. Ang tawag daw sa lifestyle na yon ay minimalist lifestyle," dagdag ng mang-aawit.