Ilang artista pumayag sa kalahating talent fee para masagip ang ABS-CBN | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Ilang artista pumayag sa kalahating talent fee para masagip ang ABS-CBN

Ilang artista pumayag sa kalahating talent fee para masagip ang ABS-CBN

Mario Dumaual,

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA — Tinanggap ng mga artista at talent managers ang kaltas sa kanilang talent fees hanggang 50 porsiyento para suportahan ang pagpapatuloy ng kanilang shows sa Kapamilya network na ngayon ay dumadaan sa matinding pagsubok.

Sa isang pambihirang kasunduan, pumayag ang ilang artista tulad nina Lorna Tolentino, Vhong Navarro, Ogie Alcasid, Christopher de Leon, Sid Lucero, at Jolina Magdangal at kanilang managers na tanggapin ang malawakang kaltas sa kanilang talent fees nang hanggang 50 percent.

Sa kabuuan, sakop dito ang humigit kumulang na 400 artists at talents na hawak ng 22 members ng Professional Artists Managers Inc. (PAMI) na ilang dekada nang supplier ng artista sa mga TV at movie studios.

Kabilang dito ang mga alaga ni Ricky Gallardo na sina Angel Aquino at Eula Valdez na balik-taping sa "FPJ's Ang Probinsyano" at "Love Thy Woman."

ADVERTISEMENT

Ganun din si Lucero sa "A Soldier's Heart" na pumayag sa locked-in taping nang ilang linggo sa iba’t ibang lokasyon.

Pinapalakas ni Gallardo ang loob ng kaniyang mga alaga.

"Keep the faith! Life is tough but we have to be tougher than the forces confronting us," ani Gallardo.

Tanggap din nina Lolit Solis at iba pang manager na wala nang star treatment sa bagong sistema sa taping kung saan naka-book ang mga bituin sa mga murang hotel.

Iginiit din ni Solis na kailangan magsakripisyo at tanggapin ang katotohanang wala nang bargaining power ang mga artista sa gitna ng taghirap.

ADVERTISEMENT

Higit sa lahat, dapat daw magpasalamat na may trabaho pa rin sila.

Hindi covered sa kaltas ang mga artistang di lalagpas sa P20,000 ang talent fee.

Ayon sa pinuno ng PAMI na si June Rufino, paraan nila ito para suportahan ang ABS-CBN sa panahon ng pagsubok.

Sa hiwalay na inisyatibo, nakipagkasundo din ang Cornerstone Entertainment sa pay cuts na apela ng ABS-CBN hanggang 50 percent.

Ayon sa pinuno ng Cornerstone na si Erickson Raymundo, buo ang suporta nila sa pagtulong sa network.

ADVERTISEMENT

Hawak nila ang career nina Catriona Gray, Sam Milby, John Prats, Jaya, Yeng Constantino, Moira de la Torre, Iñigo Pascual at iba pang bituin.

Nagpasalamat naman ang pamunuan ng Kapamilya network sa kanilang sakrispisyo na maghatid ng saya at ibahagi pa rin ang kanilang talino sa panahong ito.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.