PatrolPH

Beks Friends, todo pasasalamat sa natanggap na jacuzzi galing kay Vice Ganda

ABS-CBN News

Posted at Jun 28 2021 05:40 PM

Beks Friends, todo pasasalamat sa natanggap na jacuzzi galing kay Vice Ganda 1
Screengrab mula sa YouTube

MANILA -- Hindi mapigilan ang tuwa ng grupong Beks Friends sa natanggap nilang mga regalo mula sa kaibigan at kapwa komedyanteng si Vice Ganda. 

Sa kanilang vlog nitong Hunyo, todo pasasalamat sina Ton Soriano, Orli, at Kitty Montecarlo nang magpunta sila sa lumang bahay ni Vice Ganda para kunin ang jacuzzi ng "It's Showtime" host.

Matatandaang ginamit na noon ng Beks Friends ang nasabing jacuzzi noong dumalaw sila kay Vice Ganda ilang buwan ang nakalipas, bago siya lumipat sa kanyang bagong bahay. 

Watch more on iWantTFC

Dala-dala ang susi ng lumang bahay na ipinahiram sa kanila ni Vice Ganda, naglibot ang mga komedyante at iniuwi ang iba pang mga kagamitan na iniwan ng "unkabogable" star, tulad na lamang ng mga ilaw, stuffed toys, at hanger.

Kalaunan ay dumating na ang trak na kumuha ng jacuzzi, na dinala sa bahay ng Beks Batallion.

Maliban sa kanyang galing sa pagpapatawa, nakilala na rin si Vice Ganda sa pagiging mapagbigay sa kanyang pamilya at malalapit na kaibigan.

Related video:

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.