Mga huling sandali ni Ramon Revilla Sr. ikinuwento ng kaanak | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Mga huling sandali ni Ramon Revilla Sr. ikinuwento ng kaanak

Mga huling sandali ni Ramon Revilla Sr. ikinuwento ng kaanak

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Ngayong Sabado, Hunyo 27 nagsimula ang burol para sa namayapang "Haligi ng Pelikulang Pilipino" at dating Senador na si Ramon Revilla Sr.

Kasabay niyan, ikinuwento ng mga kaanak ang mga naging eksena sa huling sandali ng tinaguriang "Hari ng Agimat."

"All my siblings were there, each one of us were given a time to talk to my dad . . . 'Yung mga nasa Amerika, naka-Facetime, nakausap siya hindi namin siya pinagkait," ani Andrea Bautista-Ynares, isa sa mga anak ni Revilla.

Mabigat sa loob ng buong pamilya ang pamamaalam ng padre de pamilya na lumaban hanggang sa huling saglit.

ADVERTISEMENT

"Sa history ng pagkakasakit ng daddy ko, first time lang niya sinabi sa akin na, 'Anak, nahihirapan na'ko,' so when he said that to me, sinabi ko sa kanya, 'Daddy, kahit ayoko, I will respect your decision po'," ani Bautista-Ynares.

Pumanaw si Revilla sa edad na 93. Una siyang sumikat bilang action star at nakilala sa mga pelikula gaya ng "Nardong Putik", "Tiyagong Akyat", "Pepeng Agimat" at iba pang karakter.

Bubuksan sa publiko ang burol pero wala pa umano silang mabigay na detalye kung kailan. Tanging mga pamilya at mga kamag-anak pa lang ang pinapayagang dumalo sa burol sa ngayon

Nakilala naman siya bilang "Ama ng Public Works Act" nang manungkulan bilang senador mula 1992 hanggang 2004.

Pero ang isa sa mga pinakaniyakap niyang papel sa buhay ay ang pagiging ama sa kaniyang mga anak na itinaguyod niyang lahat.

ADVERTISEMENT

Puro pamilya, kamag-anak at malalapit na kaibigan ng pamilya ang pinayagang pumasok sa burol.

Nilinaw rin ng pamilya na namatay sa multiple organ failure, acute respiratory illness secondary to pneumonia si Revilla.

Ihihimlay si Revilla sa Angelus Cemetery kung saan inilibing ang anak niyang si Ramgen.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.