Legasiya ni Ramon Revilla Sr. inalala; giit ng anak, 38 lang ang opisyal na bilang ng anak ng senador | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Legasiya ni Ramon Revilla Sr. inalala; giit ng anak, 38 lang ang opisyal na bilang ng anak ng senador

Mario Dumaual,
ABS-CBN News
Published Jun 27, 2020 05:43 PM PHT
|
Updated Jun 27, 2020 06:23 PM PHT

MANILA -- Ipinaalala muli ng isa sa mga anak ng yumaong dating Sen. Ramon Revilla Sr. ang pagiging mabuting ama nito sa kabila ng marami niyang extramarital affairs.

"Lagi namang sinasabi ng daddy ko na ang pagiging babaero niya, huwag na lang siyang tularan kasi hindi maganda. It's very complicated," ani Antipolo City Mayor Andrea Bautista Ynares. "Ang mahalaga [ay] naging mabuti siyang ama sa aming lahat."

Iba-iba ang istorya kung ilan talaga ang naging anak ni Revilla Sr., kilala bilang "Hari ng Agimat" ng pelikulang Pilipino.

Ayon sa tagapagsalita noon ni Sen. Ramon "Bong" Revilla Jr., anak at katukayo ni Revilla Sr., na si Portia Ilagan, 72 ang kabuuang bilang ng mga anak ni Revilla Sr. sa hanggang 16 na babae.

May lumabas ding ulat na 81 ang kaniyang anak.

Pero giit ni Ynares, batay sa mga DNA tests, 38 lang ang officially acknowledged o dala-dala ang pangalan ni Revilla Sr.

Ang mga pangalan nilang magkakapatid ay nakaukit sa kaniyang dambana sa Bacoor na ginawa ilang taon na ang nakararaan.

Sa kabila ng masalimuot na ugnayan, maayos ang relasyon sa pagitan ng ilang mga anak ni Revilla Sr.

Ang pagpatay sa aktor na si Ramgen Revilla noong 2011 ang pinakamatinding dagok sa pamilya.
Ang pagpatay sa aktor na si Ramgen Revilla noong 2011 ang pinakamatinding dagok sa pamilya.
ADVERTISEMENT
Kinamatayan na ni Revilla Sr. ang paglilitis sa kaso na nagsangkot sa ilang kamag-anak ni Ramgen at iba pang kaibigan.

Noong June 2019, na-acquit ang kapatid ni Ramgen na si RJ Bautista sa kaso dahil sa lack of evidence.

Lilitisin pa ang isa nilang kapatid na si Ramona na umalis ng bansa sa kasagsagan ng imbestigasyon sa krimen.

Inilibing si Ramgen sa Angelus Cemetery sa Cavite, kung saan din nakatakdang ilibing si Revilla Sr. sa Hulyo 2, pagkatapos ng burol nitong linggo sa kanilang tahanan sa Cavite.

Bukod sa malawak niyang kontribusyon sa mga batas tungkol sa public works at pagpapahalaga sa telebisyon at trabaho ng mga batang aktor sa media, di rin malilimutan si Revilla Sr. sa amendment niya sa Family Code Law of the Philippines noong 2004.

Nakasaad dito: "The illegitimate children may use the surname of their father if their affiliation has been expressly recognized by the father through the record of birth appearing in the civil register, or when an admission in a public document or private handwritten instrument is made by the father."

"The child should not suffer the stigma of his illegitimacy," sabi ni Revilla Sr. noon.

Si Revilla Sr. din ang author ng "The Revilla Law," o ang R.A. 8294 nung 1997, batas na inamyenda at binaba ang penalties sa mga kasong illegal possession of firearms.

Naging instrumental ito sa paglaya noon ni Robin Padilla na hanggang ngayon ay tumatanaw ng utang na loob kay Revilla Sr.