Beauty Gonzalez, sumasailalim sa police training | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Beauty Gonzalez, sumasailalim sa police training

Beauty Gonzalez, sumasailalim sa police training

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA -- Kakaibang bagay ang ginawa ng aktres na si Beauty Gonzalez sa panahon ng lockdown dala ng COVID-19.

Sa "Magandang Buhay" nitong Miyerkoles, ibinahagi ni Beauty na sumasailalim siya sa training ng Philippine National Police Aviation Security Group.

Watch more in iWantv or TFC.tv

"Siyempre noong ECQ sobrang lockdown talaga. Talagang nasa bahay lang kami. After ECQ, GCQ I tried something new. I tried something na hindi mo ma-imagine. So I'm doing police training now for the Special Operations Unit (SOU) of the (PNP) Aviation (Security) Group. So, they are training me for the anti-hijacking terrorism," pagbabahagi ni Beauty.

"So 'yan ang isa sa mga bagay na ginawa ko ngayon. And I'm happy to be part of it kasi it's something new at para siyang eye-opener sa atin kasi nakikita ko 'yung different point of view ng mga tao. I'm happy kasi talagang kinukuha nila ako to recruit new police, 'yung gusto mong sumali sa kanila. Actually parang nakaka-inspire kasi ngayong lockdown ang daming nagsarang businesses. Actually if you are a college graduate and you are able and you are 18 years old up to 30 years old -- umabot pa ako kasi 29 ako, kaya nag-aaral pa ako -- puwede kang mag-apply sa kanila. At least 5-foot-5 (ang taas), 5-foot-3 parang ganoon, may height limit siya. Basta able ka. Talagang nakaka-inspire kasi this is a career na magbibigay sa iyo ng dignity, camaraderie and you are serving the Philippines. Iba 'yung feeling to serve the Filipinos," dagdag ni Beauty.

Ani Beauty, niniwala siyang magagamit niya rin ang training maging sa kanyang trabaho bilang aktres.

ADVERTISEMENT

"Magagamit din natin ito sa craft natin kasi na-experience ko ito. Sabi ko tama na ang drama... Hindi man ako nakapasok pa sa 'Ang Probinsyano' dito na muna ako," ani Beauty.

"Si Olivia rin sobrang natutuwa siya kasi from acting, sabi niya, 'Mommy, are you going to be a policewoman?' Sabi ko, 'I think so.' So sobra siyang naa-amaze sa akin sa kung ano ang mga pinaggagawa ko. You know kailangan lang talaga be safe with yourself, always wash your hands, always wear a mask. Just follow proper hygiene lang para ingat ka rin sa sarili mo. Feeling ko kasi this COVID-19 shouldn't stop you from doing stuff. Just be vigilant wherever you go," dagdag ng aktres.

Sa huli, inimbatahan ni Beauty ang mga kabataan na subukang sumailalim sa training ng PNP.

"I really want to invite 'yung mga kabataan ngayon na walang mga work. Maybe you can try it out and maybe ito ang calling mo sa buhay mo. You can just easily go to www.pnp.gov.ph to send your application and try to see it out kung ano ba talaga," ani Beauty.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.