Bisita ni Eddie Garcia sa ospital, pinalilimitahan

Ernie Manio, ABS-CBN News

Posted at Jun 18 2019 11:48 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

MANILA -- Higit isang linggo nang nasa ICU ang batikang aktor na si Eddie Garcia na kritikal pa rin ang kondisyon.

Nakadepende pa rin ang aktor sa ventilator dahil sa hirap ito sa paghinga.

Binibigyan din siya ng mga gamot para ma-stabilize ang kanyang blood pressure.

Ang mga impormasyong ito ay galing sa kanyang attending physician na si Dra. Regina Macalintal Canlas.

Pinayuhan din ang pamilya na limitahan ang pagtanggap ng bisita para makaiwas sa pagkakaroon ng komplikasyon.

Patuloy ang paghingi ng pamilya ng panalangin sa publiko para sa agarang paggaling ni Manoy.

-- Umagang Kay Ganda, Hunyo 18, 2019

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.