Whitney Tyson, balik-telebisyon sa tulong ni Coco | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Whitney Tyson, balik-telebisyon sa tulong ni Coco

Whitney Tyson, balik-telebisyon sa tulong ni Coco

ABS-CBN News

 | 

Updated Jun 11, 2018 08:02 PM PHT

Clipboard

MANILA -- Isang pangarap na natupad ang nangyari sa komedyanteng si Whitney Tyson matapos mabalitaan na nais niyang magbalik sa pelikula at telebisyon.

Bonnie Fowler sa totoong buhay, ang komedyante na sumikat noong dekada '90 ay naitatawid ang buhay sa pagpapatawa sa mga piyesta at pagkanta sa mga karaoke bar.

Sa panayam niya sa "Rated K," inamin niya na nais niyang muling mabigyan ng pagkakataong makabalik sa telebisyon o pelikula.

Halos dali-dalian ay natupad ang kanyang hiling. Isa si Whitney sa nabigyang tulong ng aktor na si Coco Martin na bida ng sikat na seryeng "FPJ's Ang Probinsyano."

ADVERTISEMENT

Sa Instagram, pinasalamatan ng isa rin sa naging parte ng serye na si Angeline Quinto si Coco sa pagtulong nito kay Whitney.

"Napanood ko lang ang interview ni Ate Whitney Tyson nung isang linggo, madalas daw nasa mga fiesta siya rumaraket. Sabi ko sa sarili ko sana mabigyan ulit siya ng pagkakataon na makapagpasaya ng mas maraming tao, nakakatawa din talaga siya sa mga nagawa niyang pelikula. Tapos nakita ko ito ngayon, Maraming salamat Cocs, napakarami mong natutulungan," ani Angeline.

Sa teaser na inilabas ng Dreamscape, ipinakilala ang mga bagong karakter ng serye kung saan kasama si Whitney.

Maliban kay Whitney, makakasama rin sa "Ang Probinsyano" sina Carlo Mendoza, Lala Vinzon, Mel Feliciano, Ghersie Fantastico, Joross Gamboa, Nonong Ballinan, Joven Olvido at Donna Cariaga.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.