Beatboxer ng Bulacan, itinanghal na kampeon ng ‘Versus’ sa ‘It’s Showtime’ | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Beatboxer ng Bulacan, itinanghal na kampeon ng ‘Versus’ sa ‘It’s Showtime’

Beatboxer ng Bulacan, itinanghal na kampeon ng ‘Versus’ sa ‘It’s Showtime’

ABS-CBN News

 | 

Updated May 28, 2021 06:08 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv


Napunta sa beatboxer na si Jessie Pascua o mas kilala bilang si “The Ihaws of Us” ang kampeonato sa tagisan ng talento sa “Versus: The Grand Show-presa” ng noontime show na “It’s Showtime” nitong Biyernes.

Nagpakitang gilas si Pascua sa kaniyang talentong beatboxing kung saan napahanga niya ang mga hurado lalo na nang magawa nitong gumawa ng tunog sa kaniyang leeg, ulo, at batok.

Nakuha nito ang boto nina Darren Espanto at aktres na Angelica Panganiban upang tanghaling panalo sa kompetisyon at mag-uuwi ng P100,000 cash prize.

Ayon kay Panganiban, tila ayaw na nila itong huminto sa beatboxing dahil sa kasiyahang naidulot ng talento ni Pascua.

ADVERTISEMENT

“Its very entertaining. Walang dull moment. Parang ayaw pa nga namin siya matapos para mag enjoy kami rito,” saad ng aktres.

Watch more in iWantv or TFC.tv

Pinapurihan din nito ang tatlo pang nakalaban ni “The Ihaws of Us” dahil sa kakaibang mga talento na aniya hindi niya kayang gawin kahit artista pa siya.

“Ni isa dun wala akong kayang gawin. Sobrang talented n'yong lahat. Tapos nahiya ako sa sarili ko, bakit ako artista?” pabirong pahayag ni Angelica.

Malaki naman ang pasasalamat ni 25-anyos na ihaw vendor na si Pascua sa noontime show dahil sa ibinigay na pagkakataon para makapagtanghal muli sa gitna ng pandemya.

“Sobrang salamat po ‘Showtime.’ Kasi binigyan n'yo kami ng entablado para makapag-perform ulit. Sobrang miss po namin talaga. Nawala po 'yung entertainment pero ito po, nagbukas po kayo ulit,” tugon nito.

Kasama sa mga hurado ang aktres na si Iza Calzado na ibinigay ang kaniyang boto kay Larry Into o kilala bilang si “Siyam Milby” matapos ang contemporary dance performance nito.

Si “Otso Guapito” o Jericho Ayala naman ang ibinoto ni AC Bonifacio dahil sa headspin talent nito.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

ad