PatrolPH

'PBB': Eian, Laziz, Luke bumisita para tulungan ang housemates

ABS-CBN News

Posted at May 25 2022 07:30 PM

ABS-CBN Entertainment YT
Screenshot mula sa ABS-CBN Entertainment YouTube channel.

MAYNILA — Bumalik sa "Pinoy Big Brother" house sina Eian Rances, Laziz Rustamov, at Luke Alford para tulungan ang mga natitirang housemates sa kanilang task. 

Sa kanilang weekly task, kinakailangan makabuo ng 4 na tower (1 sa bawat batch, 1 para sa kanilang grupo) na kanilang ililipat sa activity area.

Habang nagpapahinga biglang may sumugod na mga ninja at sinira ang tower ng adult housemates.

Naging hudyat ito para pumasok sina Rances, Rustamov at Alford para tulungan sila kung paano depensahan ang kanilang towers. 

Naging emosyonal si Samantha Bernardo nang makita si Rances at naalala ang kaibigan na si Alyssa Valdez na bigong makasama sa kanila sa bahay dahil sa conflict sa schedule ng Southeast Asia Games. 

Hindi naman maawat sina Rustamov at Isabel Laohoo pati na rin sina Alford at Gabb Skribikin nang makita na rin ang isa't isa.

Naturuan man ng mga paraan para depensahan ang kanilang tower, bigo naman ang natirang housemates na madepensahan ang kanilang tower nang subukan nilang ilagay na ito sa activity area. 

Mapapanood ang “PBB” araw-araw sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z Channel 11, iWantTFC, at TFC. Mayroon din itong 24/7 livestreaming sa Kumu.

KAUGNAY NA ULAT:

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.