PANOORIN: Kapatid ni Coco Martin, bahagi na ng 'Ang Probinsyano' | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

PANOORIN: Kapatid ni Coco Martin, bahagi na ng 'Ang Probinsyano'

PANOORIN: Kapatid ni Coco Martin, bahagi na ng 'Ang Probinsyano'

ABS-CBN News

 | 

Updated May 26, 2017 01:12 PM PHT

Clipboard

Kung dati ay sa mga indie movies niyo lang siya napapanood, ngayon ay gabi-gabi ninyo nang makikita sa "Ang Probinsyano" ang nakababatang kapatid ni Coco Martin.

Si Ronwaldo Martin ay gaganap bilang miyembro ng isang pangkat ng terorista na pinamumunuan ng karakter ni 1980s action movie icon na si Lito Lapid. Kasama niya rin dito ang "It's Showtime" host na si Jhong Hilario.

Ito ang unang pagkakataon sa primetime TV na magkakasama sa isang proyekto ang magkapatid na Martin.

Ito ang unang proyekto ni Martin matapos niyang pangunahan ang pelikulang "Pamilya Ordinaryo," kung saan pinarangalan siya bilang Best Actor sa Harlem International Film Festival sa New York. Isang homeless na batang ama ang papel niya sa pelikula.

ADVERTISEMENT

Isa lang si Martin sa mga aktor na idinagdag sa "Ang Probinsyano" ngayon na in-extend ito ng ABS-CBN hanggang Enero.

Kasama rin sa teleserye sina John Arcilla, Sid Lucero, at Angel Aquino.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.