Onyok, may nakakaantig na mensahe kay Coco Martin | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Onyok, may nakakaantig na mensahe kay Coco Martin

Onyok, may nakakaantig na mensahe kay Coco Martin

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA -- Simple pero may kurot sa puso ang mensahe ni Xymon Ezekiel Pineda o mas kilala bilang “Onyok” sa seryeng “FPJ’s Ang Probinsyano” para kay Coco Martin na ngayon ay humarap sa pambabatikos matapos niyang ihayag ang suporta para sa ABS-CBN.

Sa Instagram, ibinahagi ni Onyok ang pagmamahal at pagsuporta niya sa kanyang kuya Coco.

“Kuya Coco, maraming salamat po sa pag-aalaga n'yo sa 'kin sa taping sa 'Ang Probinsyano.' Mas marami po kaming nagmamahal at sumusuporta sa 'yo. May ginawa po akong sulat para sa 'yo. Sana po mabasa mo po. God bless you always,” ani Onyok sa caption.

Sa sulat na kanyang ginawa para kay Coco, ibinahagi ni Onyok ang kabutihan at tulong na naibigay ni Coco hindi lang sa kanya, kung 'di maging sa kanyang pamilya.

ADVERTISEMENT

“Unang una po sa lahat nagpapasalamat ako kay Jesus dahil ginamit ka po niyang instrumento para makasama po ako sa 'Ang Probinsyano.' At nagpapasalamat po ako sa iyo Kuya Cardo dahil hindi lang po artista ang turing mo sa akin, kung hindi parang tunay na anak mo na po ako. Naalala ko pa po tuwing birthday ko po ay binibigyan niyo po ako ng regalo. Pati na rin po pag-Pasko. Tapos lagi niyo po akong sinasama sa tent niyo po. Tapos kapag magkakasama po tayo sa van kapag baklas na po, ani Onyok sa kanyang sulat.

“Seryoso po, maraming salamat po sa lahat ng naitulong niyo po sa akin at sa pamilya ko po. ‘Wag ka na pong malungkot, Kuya Coco. Mas marami po kaming nagmamahal at sumusuporta sa ‘yo. I love you, Kuya Coco! God bless — Xymon.”

Noong 2017 ay nagpaalam ang karakter ni Onyok sa sikat na serye para mag-aral. Muling nagkasama sila ni Coco sa pelikulang “Ang Panday.”

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.