Vice Ganda nangambang nangangalawang na sa pag-deliver ng punchlines | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Vice Ganda nangambang nangangalawang na sa pag-deliver ng punchlines

ABS-CBN News
Published May 15, 2021 04:31 PM PHT

Sa talas ng isipan ng komedyanteng si Vice Ganda, hindi maikakaila na patuloy ang natatanggap nitong suporta sa mga tagahanga na palagi nitong napapasaya lalo na sa noontime show na “It’s Showtime.”

Ngunit sa panayam sa PUSH, inamin ng host na minsan din niyang naramdamang nangangalawang siya sa pagbabahagi ng mga nakakatawang punchlines na naging tatak nito sa showbiz career niya.

“There were times na feeling ko parang kinalawang ako, kasi di ba, ang tagal mong nabakante, kahit sino naman,” ani Vice.

Aniya, malaki ang naging epekto ng pandemya sa kaniyang pag-iisip dahil nahinto rin pansamantala ang pag-ere ng “It’s Showtime.”

Kuwento pa ng komedyante, nang magbalik sila sa trabaho may mga pagkakataon na nahirapan umano siyang agad na makabuo ng sasabihin.

“Hindi ko mabato yung punchline, tapos sabi nila pagkatapos noon, sabi nina Vhong (Navarro), ‘Parang ang lalim ng iniisip mo, kanina ka pa nakanganga,’” pag-alala ni Vice.

“Kasi kilala ko yung sarili ko, eh, na pag may mabilis akong naisip mabilis ko ring maibabato, tapos biglang hindi ko siya nabato agad, tapos hindi ko maisip agad. Sabi ko, ‘Oh, my God kinakalawang yata ako,’” dagdag pa nito.

Nakaapekto rin umano ang matinding takot at pag-aalala dahil sa pangambang dala ng COVID-19 sa mga iniisip nito kaya kagaya ng karamihan ay naging magulo din ang isipan nito.

Upang muling manumbalik ang talas ng isip, nag-ensayo umano muli siya sa pag-iisip ng punchline kasama na rito ang madalas na pagtawag sa mga kaibigan upang makipagharutan at asaran.

“Maya’t maya tumatawag ako sa mga bakla, nakikipagharutan lang ako. Kasi pag nagkukwentuhan kami, okrayan kami nang okrayan at para na kaming nasa comedy bar, so don sa ganung paraan bumibilis ulit yung utak namin,” saad ng komedyante.

Tila bumabalik na umano ang husay nito lalo na nang minsang dumalo sa isang creative meeting kung saan marami itong naisip at nabuong konsepto.

“Kailangan lang talaga na maputol yung break para yung mapurol mong utak ay ma-practice ulit para maging matulis ka uli. Kailangan laging matulis, ayoko nang mapurol, gusto ko nang matulis,” pahayag ni Vice.

Bukod sa “It’s Showtime”, abala rin si Vice Ganda sa paghahanda sa kaniyang kauna-unahang digital concert na gaganapin sa Hulyo 17.

Mapapanood sa KTX.PH, iWantTFC at SkyPPV ang palabas na pinamagatang “Gandemic VG-tal Concert.”

Related videos:
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT