KILALANIN: Mga artistang pinalad manalo sa halalan | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

KILALANIN: Mga artistang pinalad manalo sa halalan

KILALANIN: Mga artistang pinalad manalo sa halalan

ABS-CBN News

 | 

Updated May 14, 2019 09:34 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Pinalad ang ilang kumandidatong bituin na manalo sa halalan.

Kasama sa mga namayagpag si Jestoni Alarcon na nanguna sa provincial board member o bokal sa unang distrito ng lalawigan ng Rizal.

Nagwagi rin si Angelica Jones bilang bokal sa unang distrito ng Laguna.

Nanalo rin ang reelectionists na sina Richard Gomez at Lucy Gomez bilang mayor at kongresista ng Ormoc, Leyte.

ADVERTISEMENT

Si Vilma Santos ang congressman-elect ng Lipa City at Imelda Papin naman ang vice governor-elect ng Camarines Sur.

Matamis din ang tagumpay para sa anak ni Rico J. Puno na si Tosca at Jhong Hilario bilang mga konsehal sa Makati.

Tagumpay din ang Revilla dynasty sa uncontested na panalo ni Jolo Revilla bilang vice governor ng Cavite, ang tiyahing Andrea Bautista-Ynares bilang Antipolo City mayor-elect, at tiyuhing Strike Revilla bilang Cavite congressman-elect.

Bacoor mayor-elect naman ang ina ni Jolo na si Lani Mercado habang nakaantabay pa ang proklamasyon ng isa pa niyang tiyuhin na si Marlon Bautista bilang kongresista ng 1-Pacman party-list.

Tinitiyak pa ang pinal na bilang sa ama ni Jolo na si Bong Revilla sa Senate "magic 12."

Lalo namang lumakas ang pamilya Sotto sa pagiging bagong alkalde ng Pasig ni Vico Sotto.

Naiproklama namang Quezon City vice mayor ang pinsan ni Vico na si Gian Sotto habang councilor-elect naman si Wahoo Sotto sa Parañaque.

--Ulat ni Mario Dumaual, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.