Ilang kumandidatong artista bigong manalo sa halalan | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Ilang kumandidatong artista bigong manalo sa halalan

ABS-CBN News
Published May 14, 2019 09:41 PM PHT

Marami sa mga artistang kandidato ang natalo sa bilangan sa halalan sa kabila ng bentahe at hatak nila sa mga manonood.

Kabilang dito si Richard Yap na tumakbong kongresista ng unang distrito ng Cebu City.

Sa partial, unofficial results 3:50 ng hapon Martes , nalamangan ni Raul Del Mar sa 135,528 boto si "Sir Chief" na nagkamit ng 81,575 boto.

Ikinalungkot ni Yap na hindi siya nabigyan ng pagkakataong tuparin umano ang mga pangarap sa Cebu.
Ikinalungkot ni Yap na hindi siya nabigyan ng pagkakataong tuparin umano ang mga pangarap sa Cebu.
ADVERTISEMENT
Nabigo rin si Rommel Padilla sa pagtakbo bilang kongresista sa unang distrito ng Nueva Ecija, kung saan siya tinalo ni Ging Suansing.

Base rin sa Commission on Election (Comelec) returns, kinulang din sa boto sina Long Mejia sa pagkakongresista sa Camarines Sur, at ang ama nina Toni at Alex Gonzaga na tumakbong alkalde ng Taytay, Rizal.

Hindi rin tagumpay ang takbo nina Edu Manzano bilang San Juan congressman; Monsour del Rosario bilang Makati vice mayor; Andrea del Rosario bilang Calatagan, Batangas vice mayor; Roderick Paulate bilang Quezon City vice mayor; Sheryl Cruz bilang Tondo, Manila councilor; Jeremy Marquez bilang Parañaque vice mayor; Bearwin Meily bilang Taytay, Rizal councilor; at Dominic Ochoa bilang Parañaque councilor.

Kinulang din ng boto ang komedyanteng si Romy "Dagul" Pastrana sa pagka-councilor sa Rodriguez, Rizal, at Gary Estrada sa pagka-vice mayor ng Cainta, Rizal.

--Ulat ni Mario Dumaual, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog news
halalan
halalan 2019
elections
Richard Yap
Rommel Padilla
Long Mejia
Carlito Gonzaga
Edu Manzano
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT