'Magandang Buhay,' ipinagdiwang ang ika-5 anibersaryo | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

'Magandang Buhay,' ipinagdiwang ang ika-5 anibersaryo

'Magandang Buhay,' ipinagdiwang ang ika-5 anibersaryo

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA -- Magkasabay na ipinagdiwang nina Karla Estrada, Melai Cantiveros, at Jolina Magdangal nitong Biyernes ang ikalimang taon ng kanilang programang "Magandang Buhay," at ang Araw ng mga Ina o Mother's Day.

Pambungad ng tatlo ay ang pagbabalik-tanaw sa mga hindi nila makakalimutang karanasan at mga aral na natutunan nila sa programa.

Watch more in iWantv or TFC.tv

"Gusto ko lang magpasalamat na kahit anong unos ang dumating, kahit may pandemya ay nanatili tayong strong. Five years, talagang amazing na ibinigay sa atin ni Lord," ani Cantiveros.

"Oo naman. Sino ba ang mag-aakala na inabot natin ang pandemya," dagdag ni Estrada.

ADVERTISEMENT

"Di ba akala natin three months? Ngayon five years. Naku, thank you," ani Magdangal.

Para sa kanilang espesyal na araw, nakatanggap ng pagbati ang programa at mga host nito mula sa mga kasamahan nila sa industriya, tulad ni Vice Ganda.

Para sa kanilang anibersaryo, si Toni Gonzaga ang naging bisita ng mga momshies. Sa pamamagitan ng Zoom, nagbahagi rin ng pagbati si Toni para sa mga host ng "Magandang Buhay."

Naging bukas din si Gonzaga sa pagbabahagi ng kanyang kuwento bilang isang ina.

Watch more in iWantv or TFC.tv

Para naman sa pagdiriwang ng Mother's Day, isang pasasalamat at pagkilala ang ginawa ng mga momshies para sa mga inang nagpasa ng kanilang liwanag sa sarili nilang paraan sa loob at labas ng kanilang tahanan.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.