Maymay, MYX Celebrity VJ ngayong Mayo | ABS-CBN

Featured:
|

ADVERTISEMENT

Featured:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Maymay, MYX Celebrity VJ ngayong Mayo

Maymay, MYX Celebrity VJ ngayong Mayo

ABS-CBN News

Clipboard

MANILA - Ang "Pinoy Big Brother: Lucky 7" big winner na si Maymay Entrata ang MYX Celebrity VJ ngayong buwan ng Mayo.

Sa buwan mismo ng kanyang kaarawan, nakatakdang magbigay ng saya si Maymay sa bilang host ng "Pop MYX" hanggang May 6, "Pinoy MYX" sa May 7-13, "Mellow MYX" sa May 14-20, at "My MYX" sa May 21-27.

Ang tinaguriang "Ms. Wacky-Go-Lucky ng Cagayan de Oro" ay sasabak din sa local music scene bilang bagong artist ng Star Music.

Samantala, si Ylona Garcia ay makikisali sa saya sa pagbida niya sa "MYX Spotlight" ngayong buwan.

Gumagawa ngayon ng pangalan ang Filipino-Australian singer sa industriya ng musika matapos ang kanyang kauna-unahang digital concert na "My Name is Ylona Garcia," tampok ang kanyang mga kanta.

Sa ngayon ay parte si Ylona ng ASAP BFF5 kasama sina Loisa Andalio, Maris Racal, Kira Balinger at Andrea Brillantes.

ADVERTISEMENT

Napanalunan din niya ang Favorite New Artist award sa kakaganap lang na MYX Music Awards.

Ang Asia's Queen of Soul na si Jaya naman ang "MYX Headliner" ngayong buwan.

Maliban sa pagiging isang hurado Sa "Tawag ng Tanghalan Kids" ng "It's Showtime," makikita rin ng mga manonood ang iba pang side ni Jaya sa buong buwan ng Mayo.

Mapapanood ang MYX sa SkyCable Channel 23.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.