Luke Alford, Eslam El Gohari evicted na sa 'Pinoy Big Brother' house | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Luke Alford, Eslam El Gohari evicted na sa 'Pinoy Big Brother' house

ABS-CBN News
Published May 01, 2022 10:16 PM PHT
|
Updated May 02, 2022 06:05 AM PHT

MAYNILA — Lumabas na sa Bahay ni Kuya sina Luke Alford at Eslam El Gohari bilang latest evicted housemates sa "Pinoy Big Brother" house nitong Linggo.

Sina Alford at El Gohari ang nakakuha ng pinakamababang combined votes to save at evict laban sa tatlong nominado ngayong linggo.

Hindi naging sapat ang 3.31 percent combined votes ni Alford at 8.22 percent combined votes ni El Gohari laban sa tatlo pang kapwa housemates para manatili sa Bahay ni Kuya.

Sa ikalimang pagkakataon, ligtas muli si Stephanie Jordan na nanguna ngayon sa botohan at may 20.75 percent votes.
Sa ikalimang pagkakataon, ligtas muli si Stephanie Jordan na nanguna ngayon sa botohan at may 20.75 percent votes.
ADVERTISEMENT
Ligtas din si Dustine Mayores na nakakuha ng 11.08 percent votes at Gabb Skribikin na may 16.66 percent votes. Isang beses pa lang naging nominated sina Mayores at Skribikin.

Mapapanood ang “PBB” araw-araw sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z Channel 11, iWantTFC, at TFC. Mayroon din itong 24/7 livestreaming sa Kumu.

RELATED VIDEO:
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT